. Flashcards
(27 cards)
Ano ang Maikling Kuwento?
Maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay. May isa o ilang tauhan, isang pangyayari, at nababasa sa isang upuan lamang.
Ano ang Tunggalian?
Labanan ng tauhan laban sa mga hadlang sa kwento.
Ano ang Pisikal na Tunggalian?
Tao laban sa Kalikasan.
Hal.: Ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan
Ano ang Panlipunang Tunggalian?
Tao laban sa Kapwa Tao, na naglalaman ng diskriminasyon.
Hal.: Human torture, trafficking, digmaan, krimen
Ano ang Panloob o Sikolohikal na Tunggalian?
Tao laban sa Sarili.
Hal.: mag-aaral o hindi, Jollibee o McDo, gastos sa libro o pamasahe
Ano ang Tanka?
Maikling awitin na nagpapahayag ng emosyon batbat ng damdamin. Pinakamatandang anyo ng panitikan, umusbong noong ika-8 siglo, na may 31 pantig at 5 taludtod.
Ano ang Haiku?
Umusbong noong ika-15 dantaon, binubuo ng 17 pantig sa kabuuan ng tula, at namalasak sa Pilipinas bilang pamanang panitikan ng Hapon.
Ano ang Parabula?
Maikling kwentong may aral na galing sa Bibliya.
Ano ang Elehiya?
Isang uri ng tula na nagpapahayag ng damdamin ng kalungkutan o pagdadalamhati, karaniwang tula ng mga taong namatay.
Ano ang Kuwentong Makabanghay?
Kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng pangyayari.
Banghay/Balangkas – Panimulang pangyayari → Papataas na pangyayari → Kasukdulan → Pababang pangyayari → Resolusyon
Ano ang Pabula?
Galing sa salitang Griyego na “muzos” (myth o mito), nagsimula sa Tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon. Si Aesop ay ang Ama ng Pabula.
Ano ang Pang-ugnay?
Mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap.
Ano ang Pang-angkop?
Mga salitang nag-uugnay sa pangngalan at pang-uri.
Hal.: Masarap na pagkain, Malinis na bahay
Ano ang Pang-ukol?
Mga salitang tulad ng para sa, laban sa, ayon sa, ukol sa.
Ano ang Pangatnig?
Mga salitang nag-uugnay ng mga salita o sugnay.
Hal.: at, pati, ngunit, kung, kapag, kaya, dahil, subalit
Ano ang Denotasyon?
Literal na kahulugan mula sa diksiyonaryo.
Ano ang Konotasyon?
May dalang ibang kahulugan na maaaring pansarili o mas malalim.
Ano ang Ponemang Suprasegmental?
Tono/Intonasyon, Haba, at Diin (stress).
Ano ang Kayarian ng Salita?
May iba’t ibang kayarian tulad ng Payak, Maylapi, Inuulit, at Tambalan.
Ano ang Pang-uri at Kaantasan Nito?
Naglalarawan ng isang pangngalan at may iba’t ibang kaantasan tulad ng Lantay, Pahambing, at Pasukdol.
Sino si Jose Rizal?
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda, ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.
Ano ang Noli Me Tangere?
Isinulat ni Rizal sa Madrid, Paris, at Alemanya, at nagpapakita ng pang-aapi ng mga prayle sa mga Pilipino.
Sino si Maximo Viola?
Nagpahiram ng pera upang maiprint ang nobela ng Noli Me Tangere.
Ano ang huling isinulat ni Rizal?
Mi Ultimo Adios, bago siya barilin sa Bagumbayan noong Dec. 30, 1896.