Tekstong Prodiyural Flashcards
(13 cards)
ay isang uri ng teksto na nagibbigay ng impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa “chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod
Tekstong Prosidyural
IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL
- paraan ng pagluluto
- panuto
- panuntunan sa mga laro
- manwal
- mga eksperimento
APAT NA PANGUNAHING BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL
Layunin
Mga Kagamitan o Sangkap
Hakbang (steps) / Metodo (method)
Konklusyon o Ebalwasyon
ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat maging resulta ng susunding prodisyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na “Paano”
Layunin
dito papasaok ang mga kagamitan dapat gamitin para maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto
Mga Kagamitan o Sangkap
ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur
Hakbang (steps) / Metodo (method)
ang konklusyon ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur
Konklusyon o Ebalwasyon
ANG KARANIWANG PAGKAKAAYOS/PAGKAKABUO NG TEKSTONG PROSIDYURAL
Pamagat
Seksyon
Sub-heading
Mga larawan o Visuals
ang nagibibgay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o isasakatuparan
Pamagat
ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa
Seksyon
kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur
Sub-heading
Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita
Mga larawan o Visuals
MGA DAPAT ISAALANG SA PAGBUO NG TEKSTONG PROSIDYURAL
- ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong deskripsyon
- gumamit ng tiyak na wika at mga salita
- ilista ang lahat ng gagamitin
- ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of view)