BRUH CW Flashcards
Isa itong katangian ng tula na hindi anking ng mga akda sa tuluyan. Sinasabihang may ________ ang tula kapag ang hilang pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakaisang tunog
Tugma
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Sukat
Ang elemento ng tula na tumutukoy sa mga grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.
Saknong
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Kariktan
Tumutukoy sa paggamit ng mga tayutay at matalinhagang pananalita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa
Talinhaga
Paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula.
Tayutay
Ito ay tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ang porma ng tula.
Anyo
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod
ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa. Ito ang diwa ng tula.
Tono/Idayog
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
Persona
Ano ang mga elemento ng Tula. (9)
Tugma
Sukat
Saknong
Kariktan
Talinhaga
Tayutay
Anyo
Tono/Indayog
Persona
Ayon kay ____________, “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan - ang tatlong bagay na magkakatipon-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
Julian Cruz Balmaceda
Sinabi naman ni ________________: “Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanang kariktang nakikita sa silong ng alinmang langit.”
Iñigo Ed Regalado
Para naman kay , “Ang tula ay panggagagad, tulad ng panggagagad ng isang pintor, ng isang manlililok, at ng isang artista sa tanghalan.
“Idinagdag din niyang “ang saklaw ng tula ay higit na malawak kaysa sa alinman sa mga ibang gagad na mga tinig, kahit pagsasamahin pa ang mga iyon.”
**
A
Fernando Monleon
Ayon kay ____________________
Ang maikling katha ay nararapat na nag-iiwan ng aral o kakintalan sa mga mambabasa. Dagdag pa niya na ang pagsasamang Pilipino-Amerikano. Ang maikling kuwento ang pinakaanak-isip
Patrocino V villafuerte
Ayon naman kay __________________________
Ang maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na sumasalamin sa pang-araw-araw na buhay.
Kinasusumpungan ito ng isa o ilang tauhan, may mga pangyayari at nag-iiwan ng kakintalan.
Genoveva Edroza- matute (1995)