Fil- Ang Mundo ng Komunikasyon sa mga Pilipino Flashcards

1
Q

Ayon kay ____ ____, ang ____________ ay isang proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan batay sa impluwensiya ng mga particular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap.

A

Gime, 2015
komunikasyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ayon naman kay ________ ____, ang ____________ ay proseso ng pagpapahiwatig ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok na gamit ang limang makrong kasanayan— pakikinig, pagbasa, pagsasalita, pagsulat, at panonood.

A

Mangahis et. al, 2008
komunikasyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Mga Prinsipyo ng Komunikasyon: (6)

A

Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.
Ang komunikasyon ay nagsisimula sa ibang tao.
Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon.
Ang komunikasyon ay komplikado.
Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo.
Ang komunikasyon ay isang proseso.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Bawat isa sa atin ay bahagi ng komunikasyon dahil ang mundo ay nangangailangan ng pakikibahagi sa isa’t isa. Bawat indibidwal ay nabubuhay sa patuloy na nagbabagong mundo ng karanasan na ikaw ang sentro.

A

Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

No man is an island” walang tao ang nabubuhay para sa sarili lamang.
~Anak sa tahanan
~Kaibigan sa kinabibilangan
~Mag-aaral sa paaralan pangkat

A

Ang komunikasyon ay nagsisimula sa ibang tao.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Sa komunikasyon, mahalagang matutunan na ang mensahe ay binubuo ng pangnilalaman (content) at relasyonal (relational) na dimension.
- “Tumayo ka” -Guro

A

Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil nakapaloob dito ang iba’t ibang aspeto ng mensahe ng berbal at di-berbal at behavior ng tagapadala at tagatanggap.
- “Tono, bigkas, tinig, bilis at bagal”

A

Ang komunikasyon ay komplikado.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Lahat ng komunikasyon ay nagpapakilala ng paggamit ng simbolo, paksang mayroon na sa mahabang tradisyon sa kasaysayan ng ating disiplina. Ang simbolo ay isang bagay o ideya na ang kahulugan ay mas komplikado sa kung ito ay paano ito tingnan.
Simbolo
~Puso = pag-ibig
~Ahas = mang-aagaw o traydor
~Ilaw = pag-asa
~Bituin sa balikat ng isang marino = kapangyarihan o ranggo/posisyon
~Pusang itim = malas

A

Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ito ay binubuo ng hindi lamang isang proseso kundi marami pang proseso na kinasasangkutan ng tagapadala at tagatanggap.

Halimbawa nito ay pagtiyak ng tagapagdala/tagatanggap ng mensaheng ipapadala niya, sa paanong paraan/midyum niya ito ipapadala, mga salita o simbolong gagamitin, paano ito maiintindihan at ano ang relasyon ng tagatanggap sa mensahe.

A

Ang komunikasyon ay isang proseso.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ang Kalikasan at Kahulugan ng Komunikasyon: (6)

A

Mga Tao
Mensahe
Midyum/Tsanel
Pidbak
Ingay
Koda

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ang tagapagdala (sender) ang nagsasagawa ng pagbibigay o pagsisimula ng pagpapadala ng mensahe (enkowd) ng bibigyang kahluugan (dekowd) ng tagatanggap (receiver) ayon sa inaasahan o layunin ng mensahe nito.

A

Mga Tao

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ito ay berbal o di-berbal na porma ng ideya, naiisip o nararamdaman ng isang tao. Ito ang nilalaman ng interaksiyon na kung saan nakapaloob ang simbolo (salita o parilala) na ginagamit para ipahayag ang ideya, gayundin ang kilos ng katawan, pisikal na kontak, tono ng boses at iba pang di-berbal na galaw.

A

Mensahe

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ang mensaheng nabuo ng tagapagdala ay ibinabahagi sa tagatanggap sa pamamagitan instrument o tulad ng radio, telebisyon, cellphone, email, mga larawan at iba pang katulad nito. Sa harapang komunikasyon (person to person communication), naipadadala ang mensahe gamit ang na sounds at light waves upang makita at marinig ng tagatanggap.

A

Midyum/tsanel

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Bahagi ng sitwasyong komunikasyon kung saan magsasagawa ng berbal o di-berbal na sagutang tagatanggap sa pinaggalingan ng mensahe.

A

Pidbak

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ito ang nagiging sagabal sa pagpapadala ng mensahe.

A

Ingay

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

2 Uri ng Ingay:

A

Pisikal
Sikolohikal

17
Q

Suliranin sa pagdinig, malakas ang ingay sa kapaligiran at espasyo kung gaano kalapit o kalayo ang kausap.

A

Pisikal

18
Q

Gambala sa isipan ng tao tulad ng wala sa katinuan sa pag-iisip o may
dala-dalang problema sa pamilya, relasyon at trabaho.

A

Sikolohikal

19
Q

2 Uri ng Koda:

A

Kodang Berbal
Kodang Di-Berbal

20
Q

Ay ang mga simbolo at ang ayos ng gramatikal sa pangungusap o pahayag.

A

Kodang Berbal

21
Q

Tumutukoy sa mga simbolong nakikita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, layo at oras, pananamit at mga adorno at mga tunog maliban sa salita.

A

Kodang Di-Berbal

22
Q

Tatlong Paraan ng Komunikasyon:

A

Komunikasyon bilang Aksyon
Komunikasyon bilang Interaksyon
Komunikasyon bilang Transaksyon

23
Q

Pagpapadala ng simpleng text o mensahe ni Christopher kay Janine subalit hindi nabasa ang mensahe. Sa ganitong paraan, mahirap makita na ito ay isang komunikasyon dahil walang nakabas, subalit mayroong pagtatangka = attempt na naganap para magsagawa ng komunikasyon.

A

Komunikasyon bilang Aksyon

24
Q

Sa paraang ito, nagkaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawa o higit pang tao ngunit ang pagpaplitang ito ay isang representatibo ng mas tipikal na persepsyon ng komunikasyon.

A

Komunikasyon bilang Interaksyon

25
Q

Ito ang tipikal na ibinibigay na kahulugan ng mga awtor sa komunikasyon. Sinasabi sa komunikasyong ito, naisagawa ang paraang pagbabahaginan ng kahulugan at unawaaan sa pagitan ng isa o maraming indibidwal.

A

Komunikasyon bilang Transaksyon

26
Q

Uri ng Komunikasyon ayon sa Konsepto: (5)

A

Komunikasyong Intrapersonal
Komunikasyong Interpersonal
Komunikasyong Pampubliko
Komunikasyong Pang-masa
Komunikasyong Computer Mediated

27
Q

Ito ay proseso ng komunikasyon na ang mensahe at kahulugan dito ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang.

A

Komunikasyong Intrapersonal

28
Q

Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng hindi bababa sa dalawang tao sa isang sitwasyon.

A

Komunikasyong Interpersonal

29
Q

Dalawang sabset ng Komunikasyong Interpersonal

A

Dyadic
Small Group

30
Q

Nagaganap sa dalawang tao.

A

Dyadic

31
Q

Brainstorming

A

Small Group

32
Q

Ito ay isinasagawa sa harap ng maraming mamamayan o tagapakinig.
Halimbawa:
~Open forum
~Paaralan
~Misa

A

Komunikasyong Pampubliko

33
Q

Ang komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng ating pagkatao. Ito ay nagsisilbing pangunahing instrument ng pagbigay at pagtanggap ng impormasyon. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Mass Media”

Ito rin ang tawag sa antas ng komunikasyon ng kung saan ang tagahatid ng mensahe ay gumagamit ng mga kagamitan pang-midya gaya ng television, radio, at pahayagan upang maihatid ang kanyang mensahe.

A

Komunikasyong Pang-masa

34
Q

Nakabilang dito ang komunikasyong pantao o impormasyong ibinabahagi sa pamamagitan ng communication networks.

A

Komunikasyong Computer Mediated