Komunikatibo Flashcards

1
Q

Sa panahon ng “__”, maraming nakapalibot na impluwensiya sa tao dulot ng teknolohiya. Sa tulong social media tulad ng facebook, instagram, twitter, youtube at marami pang iba bukod sa mga napapanood sa telebisyon, naririnig sa radyo at nababasa sa mga pahayagan ay mabilis na kumakalat ang anomang bago at ito ay kaagad na nagiging uso o popular.

A

digital age

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

ito ay masasalamin maging sa paraan ng pagpapahayag natin ng ating damdamin at paggamit natin ng wika. Ito ang dahilan kaya marami sa mga Pilipino ang gumagamit sa kasalukuyan ng tinatawag na “__” lalo na kung malalim ang pinaghuhugutan.

A

pick-up lines

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Hindi ba ang PILIPINAS ang tinaguriang

A

Texting Capital of the World

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ang mass media ay may apat (4) na katergorya (Rodman, 2007).

A

•PRINT MEDIA
•BROADCAST MEDIA
•DIGITAL MEDIA
•ENTERTAINMENT MEDIA

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

nakapaloob ang mga aklat, magasin, diyaryo, at iba pang uri ng lathalain.

A

PRINT MEDIA

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

kabilang dito ang radyo at telebisyon.

A

BROADCAST MEDIA

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

sumasaklaw sa paggamit ng mga kompyuter o Internet.

A

•DIGITAL MEDIA -

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

nakatuon naman sa mga pelikula, rekording, at mga larong pang-video.

A

•ENTERTAINMENT MEDIA -

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ang media ang itinuturing na pangunahing institusyong panlipunan dahil sa impak nito sa isang kultura. Ito rin ang nagsisilbing repleksyon ng buhay politikal at kultural kung saan kabahagi ang isang pangkat o lipunan.

A

BIAGO (BAAGI, 2005)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

“Karaniwang inuugnay ang kulturang popular sa paglawak ng impluwensiya ng teknolohiya, sa matinding komersiyalisasyon at madaling reproduksyon ng mga manipestasyon ng kultura tulad ng mga magasin, radyo, telebisyon, pelikula at kahit na nga ang mga moda sa damit, grapiti, mga kanta, mga patalastas (advertisements), mga bagay sa isang maunlad na lipunan”.

A

REYES (1997)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

“May kakaibang kapangyarihan ang kulturang popular. May kakayahan itong ipatanggap ang realidad ng namamayaning kaayusan bilang realidad ng mga indibidwal. Ang inaakalang popular ay may pinagmumulan munang bukal - hindi ito nanggaling sa lahat. Ito ay inaako ng namamayaning kaayusan, partikular na ang negosyo at estado, dahil ito ay may kakayahang kumita dahil sila rin naman ang may hawak ng daluyan ng komunikasyon, media at sining, may kakayahan silang ipalaganap ito bilang para sa nakararami, para sa ikakabuti ng sambayanan.

A

TOLENTINO (2001),

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ang produkto ng kulturang popular ay may halagang gamit (use) at palitan (exchange) - gamit dahil ito ay may silbing emosyonal sa tumatangkilik: at palitan dahil ito ay may bayad, kapalit ng kasiyahang dulot nito”.

A
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Sa larangan ng print media, lubos na kinagiliwan noon ng mga Pilipino ang pagbabasa ng mga komiks. Nauso ang mga ito noong dekada __ at unti-unting nawala sa sirkulasyon noong dekada __

A

‘20
‘90

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

“Higit pa sa lehitimong nobela at maikling kwento na pinag-aaralan sa eskuwelahan, ang mga komiks ang may taglay na kapangyarihan upang ipatikim sa mga tao ang iba’t-ibang putahe na may katotohanan hindi lamang sa imahinasyon kundi sa aktuwal na buhay ng mga Pilipino”.

A

REYES (1997)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

ang __ ang ginagamit pa ring kasangkapan sa pagpapakalat ng impormasyon ng pamahalaan, simbahan at iba pang sektor ng lipunan sapagkat hindi maikakaila ang lakas ng impluwensiya nito na makapagpabago ng damdamin at kaisipan nga mga mambabasa.

A

komiks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

ang mga __ o __ ay nagsimula bilang mga soap opera sa radyo ilang dekada na ang nakakaraan kaya tinawag din itong “radio drama”. Karamihan ng mga sumusubaybay rito ay ang mga housewives.

A

teleserye o telenobela

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

ang mga __ ay karaniwang tumatalakay sa mga suliraning kinakaharap ng pamilya na natutunghayan sa radyo at telebisyon na ang karaniwang sponsor ay ang mga kompanya ng mga sabon.

A

soap opera

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
18
Q

Sa pagdaan ng panahon ay inilunsad at sumikat din ang mga teleserye mula sa ibang bansa. Noong dekada ‘90, tinangkilik ng mga Pilipino ang mga __ hanggang sa mauso na rin ang mga __.

A

Mexicanovela
Asianobela

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
19
Q

Bukod pa sa mga teleserye ay usong-uso rin sa kasalukuyan ang mga __ at __. Ang bawat kuwentong nasusubaybayan ay nagbibigay ng pag-asa sa buhay ng bawat manonood sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay pinatutunayan na laging nananaig ang kabutihan laban sa kasamaan.

A

fantaserye at
kalyeserye

20
Q
  • nagsimulang namayagpag ang pelikulang Pilipino. Maraming mga artista ang sumikat. Maraming Pilipinong pelikula at direktor ang kinilala maging sa ibang bansa.
A

DEKADA ‘50

21
Q

Dahil dito, umusbong ang mga tinatawag na “independent films” o higit na popular sa tawag na “__” na gawa ng mga independent production companies.

A

Indie Film

22
Q

Sa larangan naman ng musika, sa kasalukuyan ay popular din ang tinatawag na “__”. Mula sa katawagan nito, mahihinuha na ito ay isang tunggalian o tagisan ng talino. May ilang nagsasabi na ito ay panibagong mukha ng rap at balagtasan.

A

fliptop battle

23
Q

Ang __ ay palitan ng mga “banat” hinggil sa kalabang rapper at madalas na tumatagal ng 15-30 minuto. Ito ay isang modernong parody ng balagtasan noon.

A

fliptop battle

24
Q

Ang pagbabago ng kultura ay nangangahulugang pagbabago rin ng wika. Patunay ito na kakambal ng wika ang kultura at hindi mapigilang makisabay sa anomang pagbabago kaya sinasabi na ang wika ay dinamiko.

A
25
Q

“Hindi maiwawaksi sa usapin ng kultura ang wika. Nagsisilbi kasi itong pangunahing instrumento ng lipunan tungo sa mobilisasyon ng mga impormasyon. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao.

A

FRANCISCO (2010)

26
Q

Ang __ ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangan nito. Samakatwid, nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid”.

A

wika

27
Q

Ang __ ang nagiging daan para matugunan ang pangangailangang sosyal at personal ng mga tao. Ito ang dahilan kaya madali nating niyayakap ang dulot na pagbabago nito sa ating buhay. At ang impluwensiya nito sa ating pang-araw-araw na gawain ay kapansin-pansin maging sa paggamit natin ng wika.

A

mass media

28
Q

, “Nabuksan ng mga Indie Film ang mga salita na kaugnay ng mga realidad na itinago ng pelikulang komersyal tulad ng mga salitang kung tawagin ay balbal o slang o idiolect na galing sa mga grupo o komunidad na hindi bahagi ng karamihan at kalakaran.” Dagdag pa niya, “malaki din ang iyayaman ng wikang Filipino kung tatanggapin ang mga salita mula sa relihiyonal na wika na ginawang popular ng pelikulang rehiyonal”.

A

TIONGSON (2012)

29
Q

Ang wikang __ ang mabisang sandata sa pagpapakalat ng impormasyon at paghubog ng ating kamalayang panlipunan. Ito ang nagbibigay kahulugan at kabuluhan sa bawat karanasan na dulot ng mga pagbabago sa ating kultura.

A

Filipino

30
Q

Bukod sa pag-usbong ng mga bagong salita, hatid din ng radyo, telebisyon at pelikula ang mga naging hit sa panlasang Pinoy na mga pick-up lines na nabanggit sa unang bahagi ng talakayan. Bukod sa mga ito, sa kasalukuyan, mayroon din tayong mga hugot lines na tinatawag ding __.

A

love quotes

31
Q

Malaki ang naiambag ng __ sa ating bansa. Naging pangunahing daluyan ito ng ating wikang pambansa. Dahil sa mga istasyon na patuloy na tumutugon sa hiling ng mga viewers, nagkakaroon ng malaking epekto ito sa madla at naiimpluwensyahan nito ang pamumuhay lalo na ng wika. Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay nagbabago para lang makisabay sa mga sumisikat na bagay na kung tawagin sa Ingles ay “__”. Ang mga kataga at salitang naiimbento at naririnig ng mga tao sa telebisyon ay nagiging daan ng pakikipag-ugnayan sa pang-araw-araw”.

A

mass media
trend

32
Q

Ang __ ay malayunin at sistematikong paraan ng pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig. Ito ay naisasakatuparan sa tulong ng mga __, __, at __.

A

komunikasyon
sagisag, simbolo, at kumpas

33
Q

Sa madaling salita, ang komunikasyon ay pagsasalin ng impormasyon. Nagmula ang komunikasyon sa salitang Latin na “__” na nangangahulugang “upang ibahagi”.

A

communicare

34
Q

ang __ ay tumutukoy sa kakayahang magamit ang wika nang wasto at naaayon sa layunin ng pakikipagtalastasan. Ang inaasahang bunga ng pagkatuto ng wika ay ang kakayahang makipagtalastasan, hindi lamang ang kakayahang magamit ang wika nang eksakto sa pagkakagamit ng katutubong tagapagsalita nito.

A

kakayahang pangkomunikatibo

35
Q
  • terminong nilikha ni Dell Hymes noong 1966 sa reaksyon sa paniniwala ng lingguwistang si Noam Chomsky noong 1965. Ito ay kaalaman sa mga gampanin at kumokontrol sa mga prinsipyo ng paggamit ng wika.
A

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

36
Q

HYMES (1972, 277) na inilahad sa kanyang aklat na Foundation of Sociolinguistic: An Ethnographic Approach, ang isang karaniwang bata ay nagkakamit ng kaalaman sa pangungusap hindi lamang panggramatika kundi sa pagiging naaayon nito. Sa madaling salita, ang isang bata ay nagkakamit ng repertoire ng gawain ng pagsasalita, nagiging bahagi ng pag-uusap, at natataya ang kanilang nakamit sa pamamagitan ng ibang tao.

A
37
Q

kaalaman sa mga tuntuning pansosyokultural, gaya ng mga paraan sa paggamit at pagtugon nang naaangkop sa wikang gamit ng kausap.

A

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO

38
Q

ANG MODELONG SPEAKING

A

Setting or scene
Participants
Ends
Act sequence
Keys
Instrumentalities
Norms
Genre

39
Q

isang sosyolingguwista na siyang bumuo sa modelong SPEAKING na kung saan ang modelong ito ang magtataguyod sa pagsusuri ng diskurso bilang isang serye ng pagsasalita ayon sa mga sitwasyon at akto ng pagsasalita na nakapaloob sa kontekstong kultural.

A

DELL HYMES

40
Q

Ito ay tumutukoy sa oras at lugar kung saan naganap ang komunikasyon, pangkalahatan, sa isang pisikal na kaganapan. Ang sala ng bahay ay maaaring maging setting para sa pag-uusap ng may-ari ng bahay at ng kanyang mga panauhin.

A

SETTING o SCENE

41
Q

Sila ang ispiker at awdiyens sa pakikipagtalastasan.

A

PARTICIPANTS

42
Q

ito ay tumutukoy sa parehong layunin at kalalabasan ng komunikasyon o inaasahang bunga ng isang gawain at ng mga indibiduwal na kalahok dito.

A

ENDS

43
Q

Tumutukoy ito sa takbo o daloy ng usapan at ang iba’t-ibang bahagi ng isang sitwasyong pangkomunikasyon.

A

ACT SEQUENCE

44
Q

Ito ay nagtataguyod ng tono at paraan ng pakikipag-usap.

A

KEYS

45
Q

Tinutukoy nito ang mga anyo at estilo sa pagsasalita.

A

INSTRUMENTALITIES

46
Q

Mahalagang mabatid ang paksa ng usapan. Dapat isaalang-alang dito ang mga tuntuning pansosyal ng isang kaganapan at ang aksyon at reaksyon ng mga kalahok dito. May mga usapang sensitibo at limitado lamang sa kaalaman ng ilang tao. Sa ganitong pangyayari, nararapat na suriin muna kung wasto o hindi ang ilalahad.

A

NORMS

47
Q

Hindi lamang ito ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng mga tula, nobela, at iba pa. Tumutukoy ito sa mga paraan ng pakikipag-usap na masasalamin din sa paksa ng usapan. Ang __ ay maaaring nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nagmamatuwid, nagpapaliwanag, naglalahad, at naglalarawan. Kabilang sa mga halimbawa nito ang pagsasalaysay ng isang testimonya sa korte, pakikipanayam, pagtatalumpati, maging pagbibiro at iba pa.

A

GENRE