MAPEH 4 Flashcards

DNSD

1
Q

Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:

A
  1. Pambubugbog/pananakit,
  2. Panggagahasa,
  3. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
  4. Sexual harassment,
  5. Sexual discrimination at exploitation,
  6. Limitadong access sa reproductive health, at
  7. Sex trafficking at prostitusyon.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

A
  1. Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa iyo
    At sa ibang tao, iniinsulto ka;
  2. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
  3. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan, sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
  4. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
  5. Nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;
  6. Pinagbabantaan ka na sasaktan;
  7. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
  8. Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
  9. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang ginawa sa iyo.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

A

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o RA 9262

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ito ay anumang kilos na nagdudulot ng sakit ng katawan at ang nagkasala ay may intensyong manakit.

A

pisikal na pang-aabuso

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ito ay anumang kilos o pananalita na ang intensiyon ay magdulot ng mental o emosyonal na pagkabahala ng tao.

A

sikilohikal na pang-aabuso

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ito ay pamimilit sa isang tao o grupo ng tao na magkaroon ng seksuwal na gawain. Ang pamimilit ay maaaring sa pamamagitan ng pisikal na pananakit, dahas, pananakot, at iba pa.

A

seksuwal na pang-aabuso

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ito ay ang pagpilay sa kakayahang pinansiyal ng isang babae na magreresulta sa kanyang pagdepende sa mga pangangailangang pinansiyal sa ibang tao.

A

pang-aabusong ekonomiko

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly