Pagsulat ng Talumpati Flashcards

1
Q

ay isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang uri ng akademikong sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at paglalarawan.
Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang paninindigan

A

talumpati

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Karaniwang nagkaiiba-iba ang isang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito

Ayon sa kanila, Ang isang mahusay na talumpati ay dapat __________ ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.

A

nagkapagbibigy-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo at nakahihikayat ayon nmn sakanila(Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

IBA’T IBANG URI NG
TALUMPATI AYON SA PAGHAHANDA

A
  1. Biglaang Talumpati
  2. Maluwag na Talumpati
  3. Manuskrito
  4. Isinaulong Talumpati
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda.
Karaniwang makikita ang ganitong uri ng pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng tanong-sagot, at pagkakataon ng pagpapakilala.

A
  1. Biglaang Talumpati
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas.
Ang mga isyu, konsepto o usaping paglalaanan ng talumpati ay nasa kaalaman na ng mananalumpati kaya maaari pa siyang maghanda ng kaunting marka o palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang kaniyang pagbigkas.

A
  1. Maluwag na Talumpati
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Higit na mas kaunti ang alalahanin ng mananalumpati sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento, at inaasahang naensayo na ang pagbigkas.

A
  1. Manuskrito
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ito ang uri ng talumpati na isinulat muna pagkatapos ay isinaulo ng mananalumpati.
Masusukat dito ang husay ng pagbabalangkas ng manunulat, kaniyang pagpapaliwanag at tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas.

A
  1. Isinaulong Talumpati
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Kasanayan sa
Paghahabi ng mga
Bahagi ng Talumpati
(Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati.)

A
  1. Introduksyon –
  2. Diskusyon o Katawan –
  3. Katapusan o Konklusyon –
  4. Haba ng Talumpati –
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga tagapakinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.

A
  1. Introduksyon –
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ang mga sumusunod na katangian ng isang mahusay na panimula ay:

A

a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig;
b. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtatalakay sa paksa; at
c. maipaliwanag nang maayos ang paksa.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibabahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.

A
  1. Diskusyon o Katawan –
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Mga Katangiang Nararapat Taglayin ng Katawan ng
Talumpati

A

a. Kawastuhan – tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat totoo at naipaliwanang nang mabisa ang lahat ng mga detalye.
b. Kalinawan – kailangang maliwanag ang pagkasulat at pagkabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig.
c. Kaakit-akit – gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

dito nakasaad ang pinaka konklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilalahad sa katawan ng talumpati.

A
  1. Katapusan o Konklusyon –
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Ang pagtiyak sa inilaang oras sa pagbuo ng talumpati ay may malaking gampanin sa pagbuo ng nilalaman nito

A
  1. Haba ng Talumpati –
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

➢ Ang pagbubuod ay isang paraan ng papapaikli ng anumang teksto o babasahin.
➢ Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa.
➢ Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda.
➢ Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa.
➢ Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto at kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda.
➢Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailangan ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampotdampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori , maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad.

A

Pagbubuod o Paglalagom

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Mga Katangian ng Mahusay na Buod

A
  1. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
  2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
  3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
  4. Gumagamit ng mga susing salita.
  5. Maaaring gumamit ng sariling salita.
  6. 1/4 o 1/3 lang ito sa kabuuang haba ng orihinal na akda.
17
Q

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod

A
  1. Salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
  2. Ilista ang pangunahing ideya, detalye, at paliwanag sa bawat ideya.
  3. Ayusin ang pagkasunod-sunod sa lohikal na paraan.
  4. Gumamit ng siya, apelyido ng awtor, o manunulat.
  5. Isulat ang buod
18
Q

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod

A
  1. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
19
Q

Ayon sa kanya Ang replektibong sanaysay, isang guro at manunulat, ay isa sa
mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pagarok sa isip o damdamin (introspection).

A

ayon kay Michael Stratford,

20
Q

Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa __________ kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari.

A

pagsulat ng dyurnal

21
Q

Maihahalintulad din ito sa pagsulat na kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.

A

academic portfolio

22
Q

Ayon sa kanya na ang guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay.

A

Ayon naman kay Kori Morgan,

23
Q
A

Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik, pagsali sa
isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa isang tiyak na lugar, isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat na suliranin, isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin.

  1. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madaling mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa.
  2. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
  3. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.
24
Q
A

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o kongklusyon.Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.

25
Q

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng__________________-siguraduhing ito ay makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.

A

Introduksiyon

26
Q

Sa pagsulat ng _____________________, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.

A

Katawan

27
Q

Sa pagsulat naman ng ____________________, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.

A

Konklusyon,

28
Q

ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahang bahagi pagkatapos ng pahinang pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. o Ayon kay _______________), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

A

Abstrak

kay Philip Koopman (1997),

29
Q

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

A

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
▪ Binubuo ng 100-250 na mga salita.
▪ Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
▪ Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
▪ Nauunawaan ng target na mambabasa.
▪ Gumagamit ng pandiwang nasa aspetong nagdaan.

30
Q

Mga Elemento ng Abstrak

A

Mga Elemento ng Abstrak
1. Kailangang may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. Ang pagkakaroon ng elementong ito ay nagbibigay ng interes sa isang mambabasa para ito ay mahikayat na basahin ang gawa ng isang manunulat.
2. Mayroong malinaw na katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat ng abstrak. Makapagbigay ng malinaw na kasagutan o tugon para magamit ng mga mambabasa.
3. Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstrak. Magkaroon ng sariling istilo o pamamaraan ng pagsulat.
4. Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa inilapat na katanungan o problema sa abstrak na sulatin ay magkaroon ng direktibang sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
5. Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. Mga aral na balang araw ay magagamit ng bumasa ng akda ng isang manunulat.

31
Q

Mga Uri ng Abstrak na Sulatin

A

Mga Uri ng Abstrak na Sulatin
1. Deskriptibong Abstrak

  1. Impormatibong Abstrak
32
Q

Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita. Kabilang ang mga background, layunin, at pokus ng papel ngunit walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa sa uri ng abstrak na ito.

A
  1. Deskriptibong Abstrak
33
Q

Kadalasan sa mga abstrak na sulatin ay impormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga impormasyon na makikita sa babasahing ito.
Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at limampung mga salita. Binubuod ang background, layunin, pokus, pamamaraan, resulta at natuklasan sa papel.

A
  1. Impormatibong Abstrak
34
Q

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

A
  1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuuan ng papel; ibig sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
  2. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
  3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
  4. Dapat ito ay naka dobleng espasyo
  5. Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
  6. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
  7. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo
35
Q

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

A
  1. Basahin muli ang papel upang magkaroon ng pangkalahatang-ideya.
  2. Pagkatapos, paikliin o mas gawing payak ang impormasyon ng bawat seksyon sa isa o dalawang pangungusap.
  3. Tignan at balikan kung nakuha ang lahat ng mahahalagang punto ng papel.
  4. Bawasan ang mga salita upang ito ay
    sumakto sa limitasyon ng pangungusap o
    salita
  5. I-edit upang magkaroon nang maayos na daloy
    Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
  6. Basahin muli ang papel upang magkaroon ng pangkalahatang-ideya.
  7. Pagkatapos, paikliin o mas gawing payak ang impormasyon ng bawat seksyon sa isa o dalawang pangungusap.
  8. Tignan at balikan kung nakuha ang lahat ng mahahalagang punto ng papel.
  9. Bawasan ang mga salita upang ito ay sumakto sa limitasyon ng pangungusap o
    salita.
  10. I-edit upang magkaroon nang maayos na daloy.