Quarter 1 | Lesson 1: Ang Katuturan at Depinisyon ng Wika (1/2) Flashcards
Nagmula ang salitang wika sa salitang latin na “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila, magkasintunog ang salitang lengua (dila) at lingua (wika)
Castillo, et.al, 2008
Ang wika ay parang hininga ng tao. Sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito
Bienvenido B. Lumbera (2007)
Ang wika ay ang pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang simbolong ito ay bumubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at semitrikal na estruktura
Hill (1976)
Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
Paz Hernandez at Peneyra
Ang wika ay mga simbolong salita na kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring nais ipahayag ng tao sa kanyang kapwa. Ang mga simbolong salitang ito ay maaaring simbolismo o katawagan sa mga kaisipan at saloobin ng mga tao.
Cruz at Bisa (1998)
Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi ito tunay ng likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan
Charles Darwin
Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinipili at isinasaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
Henry Allan Gleason Jr. (1961)
Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo na nagagamit upang masabi ang nararamdaman kaisipan at mga karanasan
Bruce A. Goldstein (2008)
Ang wika ay nakasalalay sa mga karanasan o pangyayaring natatangi sa isang nilalang
Richard Hudson
Ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa paikipagtalastasan ng mga mamamayan sa ibang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Cambridge Dictionary
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar para sa isang partikular na layuning ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag
Bouman (1990)
Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad
Webster (1990)
Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, na nagaganap sa isang kultura, pantao, natatamo ng lahat ng tao
Brown (1980)
Ang wika ay isang sistema ng mga simbolo arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao.
Edgar Sturtevant (1968)
Ang wika ay isang sistemang arbitraryo pagsalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga tao natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya makipag-ugnayan
Finnochiaro (1964)