Quarter 1 | Lesson 5-6: Flashcards
Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
teoryang bow-wow
Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.
teoryang ding-dong
Ayon sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ang naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.
teoryang ta-ta
Nagmula raw ang wika sa mga salitag namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.
teoryang pooh-pooh
Nagmula raw ang wika sa pagsasama ng mga tao kapag nagtatrabaho o nagtitipon- tipon.
teoryang yo-he-ho
Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating an gating mga ninuno ay nagmula sa tatlong malalaking pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng wika?
answer choices
* Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.
* Walang isang wikang nanaig sa bansa.
* Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.
Walang isang wikang nanaig sa bansa.
Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa – ang baybayin. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng pagsunog nila rito?
answer choices
* Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto nilang buwagin ang simbolo ng pagkakaisa ng mga ito.
* Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin. Hindi sila magkakaunawaan kung ito ang gagamitin.
* Ayon sa kanila, ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang makahahadlang ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ayon sa kanila, ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang makahahadlang ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga mamamayan. Ano ang sanhi nito?
answer choices
* Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapalalaganap nila ang pananampalataya kung wikang nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin
* Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang wika.
* Nagduda ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong wika.
Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapalalaganap nila ang pananampalataya kung wikang nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin
Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Abo ang ibinunga nito?
answer choices
* Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin upang makipag-ugnayan sila sa mga katutubo.
* Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
* Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.
Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.
Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa”?
answer choices
* Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang Tagalog.
* Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol.
* Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.
Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.
Ito ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at lipunan.
answer choices
* Komunikasyon
* Kultura
* Linggwistika
* Wika
Wika
Sa kanyang walang kapantay na pagsusumikap, siya’y tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.”
answer choices
* Corazon Aquino
* Ferdinand Marcos
* Fidel Ramos
* Manuel Quezon
Manuel Quezon
Noong _________________, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika.
answer choices
* Nobyembre 13, 1936
* Nobyembre 14, 1925
* Nobyembre 9, 1921
* Nobyembre 5, 1918
Nobyembre 13, 1936
Nilagdaan at ipinalabas ni _________________ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula Agosto 1- 31 na dating Linggo ng Wika.
answer choices
* Pangulong Manuel L. Quezon
* Pangulong Fidel V. Ramos
* Pangulong Ferdinand Marcos
* Pangulong Corazon Aquino
Pangulong Fidel V. Ramos
Isinasaad sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas (Artikulo 14, Seksyon 6 ). “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay _________________.”
answer choices
* Tagalog
* Pilipino
* Filipino
* Cebuano
Filipino