Tauhan Flashcards
• ay si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere
• nagkukunwaring mayamang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan
Naging kaibigan at tagapayo rin siya ng Kapitan Heneral
Simoun
ay estudyante ng medisina;
Kasintahan niya si Juli;
Kalaunan ay naging kakampi niya si Simoun
Basilio
ay estudyanteng makata;
Pamangkin ni Padre Florentino; Kasintahan niya si Paulita;
Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas
Isagani
ay ama nina Juli at Carolino;
Siya ay isang magsasaka na naging tulisan na naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan
naghangad ng Karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari
Kabesang tales
• ay ama ni Kabesang Tales;
• Nabaril ng kanyang sariling apo
Tandang selo
• ay probinsiyanong estudyante na nag-aaral sa Maynila;
• Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan
Placido penitente
•ay anak ni Kabesang Tales;
• Apo ni Tandang Selo;
• Katipan siya ni Basilio;
• Hinalay ni Padre Camora na matagal nang may pagnanasa sa kanya
Juli
ay kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Paulita gomez
kilala rin sa tawag na “Buena Tinta” ang tagapagpasya sa usaping Akademya ng Wikang Kastila
Don custodio
tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ginoong pasta
isang manunulat sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita;
• Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita; at
• Laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ng katotohanan.
Ben zayb
ang mukhang artilyerong Kura ng Tiyani;
• Ang paring gumahasa kay Juli;
• Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay-liwaliwan
Padre camora
isang Dominikanong propesor;
• Isang paring may malayang paninindigan.
Padre fernandez
isang Pransiskanong dating kura ng San Diego;
• may pagtingin kay Maria Clara
Padre salvi
Dominikanong vice- rector ng Unibersidad ng Santo Tomass
Padre sibyla