10th Grade, 4th Quarter: All Lessons Flashcards
(61 cards)
Ano ang Maikling Kwento?
Ito ay nababasa sa isang upuan lamang, nakapupukaw ng damdamin, mabisang napagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
Ito ay Tumutukoy sa tao o persona na nagpapagalaw sa takbo ng kuwento. May Protagonista/bida at Antagonista/kontrabida.
Tauhan
Ito ay sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nakapokus sa bida ng kuwento
Banghay ng maikling kuwento
Ang pokus ng pandiwa ay nasa tagaganap kapag simuno paksang gumaganap ng kilos sa pangungusap.
Pokus sa Tagaganap
Ano ang mga uri ng tauhan?
Tauhang Bilog at Tauhang Estatiko
Ito ay ang tauhang nagkakaroon ng pagbabago. Tauhang makatotohanan at kapani-paniwala.
Tauhang Bilog
Isang maikling kwento ni O Henry ay isang akdang pampanitikang tungkol sa mahirap na mag-asawang sina Jim at Della.
Ang Regalo ng Mago
Ito ay karaniwang naibubuod lamang siya sa iisang katangian sa kuwento. Hindi nagbabago ang kaniyang katangian mula umpisa hanggang dulo.
Tauhang Estatiko
Ito ay tinatawag din itong pokus sa aktor.
Pokus sa Tagaganap
Sa pokus sa tagaganap, Ano ang mga panlapi na ginagamit?
mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki-, o magpa-
Sinasagot din ang tanong na Sino.
Ito ang pokus ng pandiwa ay nasa layon kung ang layon ay ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Pokus sa Layon
Ano ang apat na kategorya ng sanaysay?
- argumentatibo
- naglalahad
- naratibo
- deskriptibo.
Ano ang dalawang uri ng Sanaysay?
Pormal at Impormal
Sa pokus sa layon, Ano ang mga panlapi na ginagamit?
-in, um-, -i, -ipa, ma-, na-, o -an.
Sinasagot din ang tanong na Ano.
Isang anyo ng panulat na nakadisenyo upang magbigay ng impormasyon o makapanghikayat.
Sanaysay
Ito ay isang sulating nagpapahayag, nagpapaliwanag, o nagsasalaysay ng mga pananaw, kaalaman, damdamin, o opinyon tungkol sa isang paksa.
Sanaysay
Ano ang mga katangian ng Sanaysay?
- Pokus
- Pag-unlad
- Kaisahan
- Pagkaugnay-ugnay
- Kawastuhan
Kailangang sinusuportahan o pinalalawak ng bawat talata ang pangunahing ideya ng sanaysay.
Pag-unlad
Ano ang Pokus sa katangian ng Sanaysay?
Sinasabi nito na kailangan may iisang malinaw na ideya ang sanaysay.
Ano ang Kaisahan sa katangian ng Sanaysay?
Kailangang nakaugnay sa pangunahing ideya o paksa ang bawat talata ng sanaysay.
Kailangang lohikal ang organisasyon ng sanaysay. Kailangang masinop at madulas ang daloy nito. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap at talata upang makarating sa matibay na wakas.
Pagkaugnay-ugnay
Ano ang Kawastuhan sa katangian ng Sanaysay?
Tiyaking wasto ang pagkakabuo ng mga pangungusap. Mahalaga ito upang malinaw at tama ang pagkakaunawa ng mga mambabasa.
Ito ay ang mga dagdag na salitang idinurugtong sa pangungusap o mga pariralang may kaparehong kahulugan.
Parirala