Basa At Suri - 3rd QT Flashcards
(107 cards)
ang dahilan kung bakit hindi gaanong nakapagbabasa ng tekstong impormatibo ang mag-aaral ay dahil ? Duke (2000)
limitado ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 20 silid-aralan sa anong baitang?
Unang baitang
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 20 silid-aralan sa unang baitang, nakitang wala pang —% ng mga aklat sa mga aklatang pansilid-aralan ang nabibilang sa tekstong impormatibo. Ilang porsyento?
10%
Lumabas din sa nasabing pag-aaral na wala pang —% ng mga bagay o kagamitang naka-displey sa paligid sa silid-aralan ang maibibilang sa tekstong impormatibo. Ilang porsyento?
3%
na kung mabibigyan ng pagkakataong makapamili ng aklat ang mga mag-aaral sa unang baitang, mas pipiliin nila ang aklat na di piksiyon kaysa piksiyon.
● Humigit-kumulang 85% sa mga mag-aaral ang pumili ng aklat na di piksiyon. Sino ang nagsabi nito?
Mohr
Humigit-kumulang —-% sa mga mag-aaral ang pumili ng aklat na di piksiyon. Ilang porsyento?
85%
Babasahing di piksiyon.
Tekstong impormatibo
Naglalayong magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa. Anong teskto ito?
Tekstong impormatibo
Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. True of False?
True
Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang web site sa Internet. Anong teksto ito?
Tekstong impormatibo
Laging may nadadagdag na bagong kaalaman o kaya’y napagyayaman ang dating kaalaman ng taong nagbabasa nito. Anong teksto ito?
Tekstong impormatibo
Elemento ng tekstong impormatibo
Layunin ng may akda
Pangunahing ideya
Pantulong na Kaisipan
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sanggunian magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin
LPPM
(Lunch Po Pork Meat)
maaaring mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, magsaliksik, at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at ibang pang nabubuhay, at iba pa.
Layunin ng may akda
inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa; nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi, tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
Pangunahing ideya
paglalagay ng angkop na mga detalye upang makatutulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
Pantulong kaisipan
larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time line, at iba pa. Anong klaseng elemento ng tekstong impormatibo ito?
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sanggunian magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin -
A. Ang paggamit ng nakalarawang representasyon
pagsulat nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sanggunian magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
B. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
sangguniang ginamit. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sanggunian magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin.
C. Pagsulat ng mga talasanggunian: sangguniang ginamit.
Mga uri ng tekstong impormatibo
- Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
- Pag-uulat Pang-impormasyon
- Pagpapaliwanag
inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon; maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat o direktang nasaksihan; karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon. Anong uri ng tekstong impormatibo ito?
Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid; nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat. Anong uri ng tekstong impormatibo ito?
Pag-uulat Pang-Impormasyon
nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari; layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan; larawan, dayagram, flowchart na may may kasamang mga paliwanag. Anong uri ng tekstong Impormatibo
Pagpapaliwanag
ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
Subhetibo
kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.
Obhetibo