1st Quarter Exam Flashcards
(75 cards)
tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.(Michael Stratford)
Replektibong Sanaysay
tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.(_______ _________)
Michael Stratford
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal
Replektibong Sanaysay
Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng academic portfolio
Replektibong Sanaysay
ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
Replektibong Sanaysay
ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari(Kori Morgan)
Replektibong Sanaysay
Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha.
Replektibong Sanaysay
ito kadalasang nakabatay sa personal na karanasan ,malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ng manunulat.
Replektibong Sanaysay
ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari(____ ______)
Kori Morgan
Mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay:
- librong katatapos lamang basahin
- katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
- pagsali sa mga pansibokong gawain
- praktikum tungkol sa isang kurso
- paglalakbay sa isang lugar
- isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na gamot
- isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine Sea
- paglutas sa isang mabigat na suliranin
- isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
- at marami pang iba
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1.Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
2.Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako,ko, at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.
3.Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkasulat.
4.Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
5.Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6.Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:introduksiyon,katawan at kongklusyon.
7.Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
- INTRODUKSIYON o SIMULA
- KATAWAN
- WAKAS O KONGKLUSYON
WAKAS O KONGKLUSYON
- Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
- Bilang pagwawakas,maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.
KATAWAN
- dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.
- Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliliwanag.
- Makatutulong nang malaki kung gagamit din ng mga mapagkakatiwalaang mga sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa.
INTRODUKSIYON o SIMULA
- Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?
- Paano ito makaaapekto sa aking buhay?
- Bakit hindi ito makaaapekto sa aking pagkatao?
Matapos masagot ang mga tanong na ito,lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap.Ito ang magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay o batayan sa pagsulat ng iyong replektibong sanaysay.
Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?
INTRODUKSIYON o SIMULA
Paano ito makaaapekto sa aking buhay?
INTRODUKSIYON o SIMULA
Bakit hindi ito makaaapekto sa aking pagkatao?
INTRODUKSIYON o SIMULA
Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
WAKAS O KONGKLUSYON
Bilang pagwawakas,maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.
WAKAS O KONGKLUSYON
Mga Dapat Tandaan:
1.Pawang katotohanan ang nakasulat sa replektibong sanaysay at hindi pag-iimbento ng karanasan.
2.Damdamin at isip ang ginagamit sa replektibong sanaysay.Hindi ito sobrang emosyonal na nawalan na ng espasyo ang isipan at hindi rin ito sobrang analitikal na wala nang puwang ang damdamin.Parehong mahalaga ang mga ito sa pagsusulat.
3.Tila personal na tatak ng manunulat ang replektibong sanaysay.Natatangi ang kaniyang karanasan na tila fingerprint na walang katulad.Hindi ito dapat na maging katulad ng iba o generic dahil walang karanasang magkakatulad.
4.Bigyan ng panahon ang pagsusulat ng replektibong sanaysay,walang maisusulat na maayos na replektibong sanaysay nang minamadali.
5.Makatutulong sa pagsulat ng replektibong sanaysay ang malinaw na paglalarawan ng mga pandama tulad ng mga bagay na nasasalat,naaamoy,nakikita,naririnig at nalalasahan.Ang mga pandamang ito ang makatutulong sa manunulat sa paglalarawan ng kaniyang isip at emosyon sa naranasan.
Haba ng Replektibong Sanaysay
- Mayroong mga pagkakataon na 500 salita lamang ang hinihingi at may mga pagkakataong aabot ng 1000 salita sa pagsusulat nito.
- Nakadependi pa rin ang haba ng mga salita dependi sa kahingian nito.
- Kung walang habang hinihingi , laging tandaan na ang pinakamahalaga ay ang lalim at laman ng isinulat na sanaysay.
Mayroong mga pagkakataon na____ salita lamang ang hinihingi at may mga pagkakataong aabot ng ____ salita sa pagsusulat nito.
500 ; 1000
Tala sa may-akda
bionote