1ST QUARTER FLASHCARDS
(23 cards)
SINOPSIS/BUOD
- ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento.
- layuning isulat ang pangunahing kaisipan ng akda.
- Sinasagot ang mga tanong na Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
KATANGIAN NG SINOPSIS/BUOD
➜ Binubuo gamit ang payak at sariling mga salita.
➜ Iniiwasan ang pagbibigay ng sariling pananaw o paliwanag ng manunulat tungkol sa akda.
➜ Maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ilang pangungusap lamang.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS/BUOD
- ikatlong panauhan
- batay sa tono ng orihinal na sipi nito.
- pangunahing tauhan, gampanin at suliraning kinakaharap.
- angkop na pangugnay sa pagsulat ng mga pangyayari
- wastong gramatika, pagbabaybay at mga bantas.
- huwag kalimutan ang sangguniang ginamit
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SINOPSIS/BUOD
- Basahin at unawaing mabuti ang buong akda hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa nito.
- Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
- Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.
- Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro.
- Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
- Basahin at suriin muli ang unang ginawa. Paikliin pa kung maaari nang hindi nababawasan ang kaisipan.
BIONOTE
- ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
- tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career. - Duenas at Sanz (2012)
- iayuning ipakilala ang gamit ang pagbanggit ng personal na impormasyon, mga nagawa o ginagawa sa buhay.
- itinataguyod nito ang kredibilidad at integridad ng isang propesyunal.
KATANGIAN NG BIONOTE
➜ Maikli ito kumpara sa autobiography o biography.
➜ Ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume atbp.
➜ Madalas na makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG BIONOTE
- Magbanggit ng mga personal na impormasyon/detalye tungkol sa buhay at mga interes, tagumpay na nakamit(2 o 3 na pinakamahalaga kung marami).
- Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung gagamtin sa resume, kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita, networking site: 5 hanggang 6 na pangungusap.
- Ito ay kinakailangang maging obhetibo; isulat ito gamit ang ikatlong panauhan.
- Gawing simple ang pagkakasulat nito at gumamit ng mga payak na salita.
- Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.
Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang paguukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
PANUKALANG PROYEKTO
Dalawang layunin ng panukalang proyekto
- Makatulong na magbigay ng impormasyon at makalikha ng positibong pagbabago.
- Makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinaguukulan nito.
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong panukala
Tiyaking malinaw at maikli ang _________ ng isang panukalang proyekto.
pamagat
Proponent ng Proyekto
mga tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto. Kasama rin dito ang address, e-mail, cell phone o telepono at lagda ng tao o organisasyon.
Kategorya ng Proyekto
ang isasagawang proyekto ba ay isang seminar o komperensiya, pagsasagawa ng pananaliksik, patimpalak, konsiyerto o outreach program at iba pa.
Petsa
gaano katagal ang inaasahang pagpapatupad ng proyekto.
Rasyonal
paliwanag ang konteksto ng proyekto. Anong pangyayari ang nagbunsod nito? Paano ito naisip ng nagpapanukala ng proyekto? Bakit ito lubhang kailangan?
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
binubuo ito ng layunin, plano ng dapat gawin at badyet.
Layunin
nakalahad dito ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto.
SIMPLE
Specific – nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kailan ito matatapos
Measurable – may basehan o patunay na naisasakatuparan ang nasabing proyekto
Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical – nagsasaad ng paraan paano makakamit ang proyekto
Evaluable – masusukat paano makatutulong ang proyekto
Plano ng Dapat Gawain o Plan of Action
Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat na maging makatotohanan o realistic. Makatutulong rin kung gagamit ng chart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.
Badyet
Talaan ng mga gastusin ng kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng badyet
o Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aapruba at magsasagawa nito.
o Pangkatin ang gastusin ayon sa klasipikasyon
o Isama sa badyet maging ang huling sentimo.
o Siguraduhing tama at wasto ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura sapagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito
sino ang makikinabang sa proyekto at paano ito makatutulong sa kanila
➔ Maaaring ang makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ng pamayanan, ang mga empleyado ng isang kompanya o kaya naman ay miyembro ng isang samahan.
➔ Maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Halimbawa: mga bata, kababaihan, mga magsasaka, mahihirap na pamilya, at iba pa.
➔ Isama rin sa bahaging ito ang katapusan o konklusyon ng iyong panukala. Ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprubahan ang ipinasang panukalang proyekto.