2: Mga Panandang Kohesyong Grammatikal Flashcards
(27 cards)
mga salitang nagsisilbing pananda upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga pangngalan o mga salitang gamit sa pagpapahayag.
Panandang kohesyong gramatikal
tawag sa panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.
Anapora o sulyap na pabalik
Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Palawan dahil sila ay tunay na nagagandahan dito.
Anapora o sulyap na pabalik
Si Macy Javier ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
Anapora o sulyap na pabalik
ang tawag sa panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng pangungusap.
Katapora o sulyap na pasulong
Patuloy nilang dinarayo ang Palawan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
Katapora o sulyap na pasulong
Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Macy Javier paborito niya itong pasyalan.
Katapora o sulyap na pasulong
ito ay paggamit ng iba’t-iba pang reperensiya sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan.
Pagpapalit o Substitusyon
Dahil sa pagsalin ng mga wikang nauunawaan natin ay namumulat tayo sa kulturang banyaga. Nalalaman natin ang kulturang Koreano at natututo tayo sa mga gawain nila.
Pagpapalit o Substitusyon
pinapalitan ay ang pangngalan.
Nominal
pinapalitan ay ang pandiwa.
Berbal
Pinapalitan ay sugnay.
Clausal
Halimbawa:
Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay magkakaunawaan, kailangan lang nating pagyamanin ang ating wikang Pambansa.
Nominal
Halimbawa:
Inaayos ni Tatay ang mesa at sinimulan naman ni kuya ang silya.
Berbal
Halimbawa:
Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw at hindi rin nagawa ng mga pulis ang hulihin sila.
Clausal
May mga salitang hindi na inilalagay o nawawala sa pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makakatulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Ellipsis
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
Pag-uugnay
hal.
- Ang lahat ng uri ng maikling kwento ay maganda ang nilalaman lalo na’t kapag ito’y kapupulutan ng aral.
Pag-uugnay
nagkakaroon ng kohesyon ang isang teksto kung magkakaugnay ang mga pangungusap sa isang talata at sa iba pang mga talata nito.
Kohesyong Leksikal
Kohesyong Leksikal (3)
kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.
Reiterasyon
Kohesyong Leksikal (3)
tumutukoy sa mga salita o parirala na may magkatulad na kahulugan na nakapaloob sa pangungusap.
Kasingkahulugan o sinonim
Kohesyong Leksikal (3)
Ang mga kapus-palad ay mga mahihirap na kailangan ang pagkalinga ng mga taong nakaaangat sa buhay sa lipunan.
Kasingkahulugan o antonim
Kohesyong Leksikal (3)
tumutukoy sa mga salita o parirala na may kabaliktarang kahulugan sa kapwa na nakapaloob sa pangungusap.
Kasalungat o antonim
Kohesyong Leksikal (3)
Habang bata pa ang tao, asahan mong di ‘to marunong yumuko at parati itong nakatingala.
Kasalungat o antonim