3rd Grading Flashcards

1
Q

Kung ang paglago ng ekonomiya ang pangunahing salik na nakaaapekto sa pagtatrabaho, malinaw ang pangunahing solusyon:

A

kailangan nating palaguin ang ating ekonomiya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Kapag may krisis pang-ekonomiya kung saan tumataas ang umuulit na kawalan ng trabaho, ang karaniwang solusyon ng karamihan sa mga pamahalaan sa _ siglo at _ siglo ay pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpasok ng pera sa ekonomiya.

A

ika-20 at ika-21 siglo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ang tawag ng mga ekonomista sa ganitong estratehiya, batay sa pangalan ni John Maynard Keynes, isang ekonomista mula sa Britanya.

A

Keynesianismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Keynesianismo ang tawag ng mga ekonomista sa ganitong estratehiya, batay sa pangalan ni _, isang ekonomista mula sa Britanya.

A

John Maynard Keynes

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Para kay Keynes, ang pangunahing dahilan ng pagkabansot ng ekonomiya ay hindi ang kakulangan sa salapi, kundi ang _.

A

pagtigil sa paggastos ng mga tao//////

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Kapag hindi gumagastos ang mga tao, hindi umiikot ang pera at bumababa ang pangangailangan para sa mga _ at _.

A

produkto at serbisyo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

At, gaya ng natutuhan natin, kapag bumaba ang pangangailangan, bumababa rin ang _ at_.

A

produksiyon at pagtatrabaho

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Iginiit ni Keynes na mapatataas ng pamahalaan ang pangangailangan sa pamamagitan ng pagpasok ng mas maraming pera sa ekonomiya sa pamamagitan ng mga _.

A

interbensiyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Sa Estados Unidos, dinagdagan mismo ng gobyerno ang paggastos sa mga proyektong pang-impraestruktura nina _ at _ noong krisis-pinansiyal noong 2007 hanggang 2008.

A

Pangulong George W. Bush at Barack Obama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Tungkol naman sa estruktural na kawalan ng trabaho, ang solusyon naman ay _.

A

mas mahusay na pagsasanay sa edukasyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Para mapigilan ang estruktural na kawalan ng trabaho sa hinaharap, kailangang mapaghandaan ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga pagbabago sa larangan ng pagtatrabaho. Halimbawa, maraming ekonomista ang nagsasabi na sa hinaharap, mas kaunti na ang trabaho sa mga _ dahil magiging awtomatisado na ang trabaho at robot na ang makakausap ng mga kliyente imbes na tao.

A

call center

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Bilang mahirap na bansa, ang pangunahing problema natin ay _. Gayunpaman, mapipigilan natin ang pagkakaroon ng klasikong kawalan ng trabaho sa hinaharap sa pagsisiguro ng makatuwirang minimum wage na hindi masyadong mababa o mataas.

A

mababang suweldo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ayon sa teorista ng politika na si Manfred Steger, tinutukoy ng globalisasyon ang “pagpapalawak at pagpapasidhi ng ugnayang panlipunan at kamalayan sa oras-ng-mundo at espasyo-ng-mundo”.

A

Manfred Steger

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Ayon sa teorista ng politika na si Manfred Steger, tinutukoy ng _ ang “pagpapalawak at pagpapasidhi ng ugnayang panlipunan at kamalayan sa oras-ng-mundo at espasyo-ng-mundo”.

A

globalisasyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

May tatlong mahahalagang elemento ng depinisyong ito ng globalisasyon:

A
  • pagpapalawak ng ugnayang panlipunan at kamalayan
  • pagbilis ng ugnayang panlipunan at kamalayan
  • mga pagbabago sa ating pagdanas sa oras at espasyo
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Tinutukoy ng paglawak ng ugnayang panlipunan at kamalayan ang dumadaming bilang ng ugnayan at mga _ sa daigdig.

A

network

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

Halimbawa, maituturing na _ na pang-ekonomiya ang mga rutang pangkalakalan. Habang lumalalim ang globalisasyon, parami nang parami ang lumilitaw na rutang pangkalakalan.

A

pandaigdigang network

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
18
Q

Bahagi rin ng globalisasyon ang pagdami ng pandaigdigang network na pangkomunikasyon. Halimbawa, simula _ na siglo, pinag-uugnay ang mundo ng isang pandaigdigang sistema ng elektrikong telegrapo. Pero pagdating ng Internet, may lumitaw na bagong network na pangkomunikasyon.

A

Tika-19 na siglo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
19
Q

Pinakahuling elemento ng depinisyon ang _. Binibigyang-diin ni Steger na “hindi lang sa obhetibo at materyal na lebel nagaganap ang mga proseso ng globalisasyon, sumasaklaw rin ito sa subhektibong rabaw ng kamalayan”. Sa madaling sabi, nararamdaman nating lumiliit ang mundo.

A

pagbabago sa pagdanas ng oras at espasyo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
20
Q

Una, para maunawaan ang globalisasyon, kailangan natin itong tingnan mula sa maraming punto de bista at teorya mula sa iba’t ibang disiplina tulad ng _, _, _, _ at iba pa.

A

sosyolohiya, agham pampolitika, araling pangkultura, ekonomiks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
21
Q

Dahil sa malawak nating pag-unawa sa globalisasyon, lumilinaw sa atin na may iba’t ibang grupo at institusyon na nakikibahagi at nagpapalalim sa proseso ng globalisasyon. Halimbawa, sa tuwing nagpapadala ang pamahalaan ng mga _ sa ibang bansa, pinapasidhi nito ang ugnayang pandaigdig sa pamamagitan ng pagpapataas sa pandarayuhan ng mga tao.

A

OFW

22
Q

Maraming mga _ na nakabase sa Pilipinas at sa ibang bansa ang nagsusulong ng higit na mga karapatan para sa mga OFW.

A

non-governmental organization (NGO)

23
Q

Isang mahalagang aspekto ng globalisasyon.

A

globalisasyon pang-ekonomiya

24
Q

Ayon dito, tinutukoy ng globalisasyong pang-ekonomiya ang “lumalalim na integrasyon ng mga ekonomiya sa iba’t ibang panig ng daigdig, partikular na sa paggalaw ng kalakal, serbisyo, at kapital sa pagitan ng mga bansa”.

A

International Monetary Fund (IMF)

25
Q

Ayon International Monetary Fund (IMF), tinutukoy ng _ ang “lumalalim na integrasyon ng mga ekonomiya sa iba’t ibang panig ng daigdig, partikular na sa paggalaw ng kalakal, serbisyo, at kapital sa pagitan ng mga bansa”.

A

globalisasyong pang-ekonomiya

26
Q

Ang apat na elemento ang depinisyon ng IMF:

A
  • integrasyon ng mga ekonomiya
  • paggalaw ng mga kalakal
  • paggalaw ng mga serbisyo
  • paggalaw ng kapital
27
Q

Ayon sa IMF, tumaas ang bahagdan ng GDP ng mga nakatuon sa palitan ng kalakal at serbisyo mula _ porsiyento noong 1980 hanggang _ porsiyento noong 2007.

A

42.1 porsiyento noong 1980 hanggang 62.1 porsiyento noong 2007

28
Q

Tinutukoy nito ang mahahalagang gawain ng mga manggagawa na hindi lumilikha ng produkto.

A

serbisyo

29
Q

Halimbawa, hindi gumagawa ng kalakal ang mga _, pero malaki ang naitutulong nila para malutas ang problema ng mga tao.

A

call center agent

30
Q

Maraming Pilipinong call center agent, halimbawa, ang nagseserbisyo sa mga mamamayan ng _, _ at _.

A

Estados Unidos, Canada, Australia

31
Q

Ang panghuling elemento ng depinisyon ng globalisasyong pang-ekonomiya. Binubuo ito ng mga pinagkukunang-yaman na kailangan para makalikha ng produkto at serbisyo.

A

Kapital

32
Q

Mas madali na rin para sa mga namumuhunan na maglagay ng pera sa _ ng mga kompanya mula sa ibang bansa.

A

stock

33
Q

Pangunahing paraan ng mga pamahalaan para magawa ito ang _.

A

pagtataripa

34
Q

Ito ay tumutukoy sa mga buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga kalakal na galing sa ibang bansa. Kadalasan, nagtataas ng mga taripa ang mga pamahalaan para pangalagaan ang kanilang mga industriya sa kompetisyon.

A

taripa

35
Q

Halimbawa, noong panunungkulan ni _, kinabahan ang Estados Unidos sa pagpasok ng mas murang bakal mula sa ibang bansa at pakikipagkompetensiya nito sa mga lokal na prodyuser. Dahil dito, nagpataw ang Estados Unidos ng taripa sa mga inangkat na bakal.

A

George W. Bush

36
Q

Kapag gumagamit ang isang estado ng taripa para pangalagaan ang isa o higit pa sa mga industriya nito, masasabing nagsasagawa ito ng _.

A

proteksiyonismong pang-ekonomiya (economic protectionism)

36
Q

Kapag gumagamit ang isang estado ng taripa para pangalagaan ang isa o higit pa sa mga industriya nito, masasabing nagsasagawa ito ng _.

A

proteksiyonismong pang-ekonomiya (economic protectionism)

37
Q

Ang proseso ng pagtukoy kung aling mga produkto ang pinakamainam na ikalakal ng isang estado sa isang bukas at nagtatagisang pamilihan.

A

paghahanap ng pahambing na bentaha (comparative advantage)

38
Q

Pangunahing tagapagsulong ng globalisasyong pang-ekonomiya.

A

mga negosyo

39
Q

Ang mga kompanyang nagsasagawa ng operasyon sa iba’t ibang bansa.

A

multinational corporation (MNC)

40
Q

Ayon sa IMF, ang _ ay lumaki nang mahigit makalimang beses sa ikalawang hati ng ika-20 siglo, panahon na pabilis na globalisasyong pang-ekonomiya.

A

pandaigdigang GDP per capita (GDP kada tao)

41
Q

Kakayahang mabilis wasakin ang mga industriya sa ilang bansa.

A

economic shock therapy

42
Q

Noong dekada _, masyadong mabilis na binuksan ng Pilipinas ang ekonomiya nito at nakapinsala ito sa sektor ng agrikultura.

A

dekada 1990

43
Q

Ayon sa aktibista at iskolar ng globalisasyon na si _, kung susumanhin, mas malaki ang nagawang pag-angkat kaysa pagluluwas ng Pilipinas dahil sa mabilis na pagpapababa sa taripa ng mga produktong agrikultura noong 1990s.

A

Walden Bello

44
Q

Noong 1993, mas malaki ng _ milyong dolyar ang halaga ng naibentang produktong agrikultura ng bansa, kaysa halaga ng mga produktong binili nito (trade surplus).

A

292 milyong dolyar

45
Q

Pero pagdating ng 2002, mas malaki na ng _ na milyong dolyar ang halaga ng mga produktong binili nito kaysa halaga ng mga produktong naibenta (trade deficit).

A

794 milyong dolyar

46
Q

Ayon dito, nangyayari ang migrasyon kapag ang isang indibidwal ay “umalis nang pansamantala o pangmatagalan sa kaniyang tirahan, papunta sa ibang lugar sa loob o labas ng bansa sa iba’t ibang kadahilanan”.

A

International Organization for Migration (IMO)

47
Q

Dalawang uri ng migrasyon:

A

Panloob na migrasyon at Panlabas na migrasyon

48
Q

Ang tawag sa paglipat sa iba’t ibang lugar nang hindi lumalabas sa bansa.

A

Panloob na migrasyon (internal migration)

49
Q

Ang tawag kapag lumipat ang tao o pangkat ng tao sa isang bansa.

A

Panlabas na migrasyon (external migration)

50
Q

Ang mga taong lumilipat at lumalagi sa isang lugar sa loob ng takdang panahon at sila ay may intensiyong bumalik sa kanilang orihinal na tirahan.

A

pansamantalang migrante