Pagkonsumo Flashcards

1
Q

May pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo.

A

Pagbabago ng Presyo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. .

A

Kita

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ayon kay ___________, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General Theory of Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo

A

John Maynard Keynes

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap

A

Mga Inaasahan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay
magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang
kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang.

A

Pagkakautang

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media.

A

Demonstration Effect

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang ________ ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot, bitamina, lampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo.
Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo.

A

Pagkonsumo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ayon nga kay ___________ sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga tao.

A

Adam Smith

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.

A

Mapanuri

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Mga Pamantayan sa Pamimili

A
Mapanuri
Sumususnod sa Budget 
May alternatibo
Hindi nagpapadaya
Makatwiran
Hindi Nagpapanic-buying
Hindi nagpapadala sa Anunsiyo
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan.

A

Sumusunod sa Budget

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili.

A

May Alternatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero
o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.

A

Hindi Nagpapadaya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito.

A

Makatwiran

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer

A

Hindi Nagpapanic buying

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.

A

Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

Ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya.

A

Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines)

18
Q

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI

A

Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan
Karapatan sa Kaligtasan
Karapatan sa Patalastasan
Karapatang Pumili
Karapatang Dinggin
Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

19
Q

“An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations,”

A

Adam Smith

20
Q

May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.

A

Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

21
Q

May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.

A

Karapatan sa Kaligtasan

22
Q

May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.

A

Karapatan sa Patalastasan

23
Q

May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila.

A

Karapatang Pumili

24
Q

May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.

A

Karapatang Dinggin

25
Q

May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin.

A

Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan

26
Q

May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.

A

Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili

27
Q

May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi.

A

Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

28
Q

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

A
Mapanuring Kamalayan
Pagkilos
Pagmamalasakit na Lipunan  
Kamalayan sa Kapaligiran
Pagkakaisa
29
Q

Hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up.

A

Bureau of Food and Drugs (BFAD)

30
Q

hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat.

A

City/Provincial/MunicipalTreasurer

31
Q

hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.

A

Department of Trade and Industry (DTI)

32
Q

Reklamo laban sa pagbebenta ng di- wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.”

A

Energy Regulatory Commission (ERC)

33
Q

Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).

A

Environmental Management Bureau (DENR-EMB)

34
Q

hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot.

A

Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)

35
Q

Nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon.

A

Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB)

36
Q

hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro

A

Insurance Commission

37
Q

reklamo laban sa illegal recruitment activities.

A

Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

38
Q

hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp.

A

Professional Regulatory Commission (PRC)

39
Q

hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.

A

Securities & Exchange Commission (SEC)

40
Q

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo (5)

A
Pagbabago ng presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Demonstration Effect