Modyul 2 Flashcards
Ginagamit ang wika upang maisakatuparan ang nais na gawin “gusto ko.”
Instrumental
Ginagamit ang wika upang makontrol ang mga asal o ugali ng ibang tao, sitwasyon o pangyayari “gagawin mo kung anong sasabihin ko.”
Regulatoryo
Ginagamit ang wika upang mapanatili at mapatatag ang relasyon sa kapwa “ikaw at ako.”
Interaksyunal
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng damdamin ng isang indibidwal “ito ako.”
Personal
Ginagamit ang wika sa pagbibigay o paghahanap ng kaalaman upang makamit ang karunungan “sabihin mo sa akin kung bakit.”
Heuristiko
Ginagamit ang wika sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo “may sasabihin ako.”
Representasyunal/Impormatibo
Ginagamit ang wika sa pagkatha ng malikhaing pagsulat at sa pagpapalawak ng imahinasyon “kunwari ganito…”
Imahinatibo