Akademikong Pagsulat Flashcards
(33 cards)
Ito ay ay isang intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa.
Akademikong pagsulat
Ang pamantayan ng akademikong pagsulat ay nagbabago depende sa _________
Sitwasyon o Kahingian
Ang karaniwang istruktura ng isang akademikong pagsulat ay
simula, gitna, at wakas
karaniwang naglalaman ng introduksiyon
simula
naglalaman ng mga paliwanag
gitna
naglalaman ng resolusyon, konklusyon, rekomendasyon.
wakas
buod o lagom ng artikulo, ulat o pag-aaral na isinusulat bago ang introduksiyon. Malalaman dito ang paksa at mga inaasahan.
abstrak
maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ikatlong panauhan na inilalakip sa kaniyang mga naisulat.
Bionote
isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na ipinababatid sa mga tao o pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasalita
Talumpati
isang lagom na naglalaman ng mga pangunahing ideya mula sa mga akdang binasa
Buod
ito ang opisyal na tala ng pulong na nagbibigay
kabatiran tungkol sa lahat ng detalye na naganap sa pagpupulong.
katitikan ng pulong
isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga
plano ng gawaing ihaharap sa tao o sa isang samahan na siyang tatanggap at magpapatibay nito
Panukalang proyekto
isang sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o usapin
Posisyong papel
uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay maging sa kung ano ang natuklasan rito
lakbay sanaysay
laman nito ang pagbabahagi ng mga bagay na
naiisip, nararamdaman maging ng damdamin mula sa isang paksa.
Repliktibong sanaysay
koleksiyon ng mga larawan na maingat na inayos na
may kalakip na teksto. Ang larawan ay naglalaman ng kuwento samantalang ang teksto ay siyang sumusuporta rito
Larawang sanaysay
Tama o Mali
Ang abstrak ay kailangang makatotohanan at organisado ayon sa pagkakasunod-sunod
Tama
Tama o Mali
Ang posisyong papel ay ang tala o rekord pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Mali
Tama o Mali
Ang isang agenda nararapat na organisado para sa maayos na daloy ng pagpupulong.
Tama
Ito ay ginagamit sa pagbubuod ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentiko, teknikal, lektyur at report.
Abstrak
Ito ay ginagamit sa pagbubuod ng tekstong naratibo tulad ng maikling kwento.
Sintesis
Ito ay ginagamit sa pagbubuod ng personal profile partikular na ang academic career.
Bionote
Ito ay ginagamit upang maghatid ng mensahe o
impormasyon ukol sa gaganaping pulong o
pangyayari.
Memorandum
Ito ay listahan ng mga magiging paksa sa isang
pagpupulong
Agenda