all-in Flashcards
(29 cards)
Ang __ ay proseso ng
mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (__)
Globalisasyon, (Ritzer, 2011)
Anyo ng Globalisasyon kung saan ito ay ang mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at
serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig. Ito ang
dahilan ng pagsibol ng maraming multinational at
transnational companies na naging dahilan ng paglitaw ng
maraming produkto at serbisyo.
Globalisasyong Ekonomiko
Ayon sa datos ng __ ang ilan sa multinational companies at transnational companies ay mataas ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa.
International Monetary Fund
Mga kompanyang namumuhunan sa ibang bansa.Layunin nito na palawigin ang kalakalan upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng konsyumer maging lokal man o international. Ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili ay hindi pangangailangang lokal.
Multinational Companies
Mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang ibenebentang produkto at serbisyo ay pangangailangang lokal. Karamihan sa kanila ay kompanya ng petrolyo, pharmaceutical IT consulting at iba pang kauri nito.
Transnational Companies
Ito ay ginagamit ng malalaking pribadong
kompanya.
Pagbili ng serbisyo ng isang kompanya mula sa isang
kompanya na may bayad
Outsourcing
2 uri ng outsourcing:
- BPO (Business Process Outsourcing)
- KPO (Knowledge Process Outsourcing)
pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na may mas mababang kabayaran. May mga outsourcing na kompanya mula sa United States at mga bansa sa Europa na kumukuha ng serbisyo sa mga bansang Asyano upang makatipid.
Offshoring
pagbili ng produkto at serbisyo mula sa kompanya sa isang kalapit na bansa.
Nearshoring
pagbili ng produkto o serbisyo sa isang kompanya sa loob ng bansa.
Onshoring
Pagka-drain ng skills o kakayanan gaya ng
sa mga construction workers
Brawn Drain
pagka-drain ng talino, gaya ng sa mga
doktor, abogado
Brain Drain
Isang anyo ng Globalisasyon na ang pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong
teknolohiya na nagreresulta ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao, tumutulong upang mapagaan at mapabilis ang mga gawain.
Ang paggamit ng cellular phones o mobile phone ay
pinasimulan ng maunlad na bansa hanggang sa ito ay tinangkilik gamitin ng buong mundo dahil sa kahagahan na naipagkakaloob nito.
Globalisasyong Teknolohikal
Isang anyo ng Globalisasyon na ang epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang sa produkto at serbisyo kundi maging pelikula, artista, awitin at drama na nagreresulta ng pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa.
Ang impluwensiyang ito ng ibang bansa ay makikita natin sa pananamit, pagsasalita, at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino. Ang impluwensya ng bansang Amerika ay nagdudulot upang maging liberal ang kaisipan ng ibang bansa gaya ng Pilipinas.
Globalisasyong Sosyo-kultural
Isang anyo ng Globalisasyon kung saan ang paglawak ng pandaigdigang samahang politikal, maging ito man ay sa pagitan ng mga bansa, rehiyunal o pang- internasyunal. Nagkakaroon ng epektibong ugnayan ang bawat bansa na nagreresulta ng mabilis na kalakalan, paglaganap ng ideya at kalagayang teknikal at migrasyon dahil sa kasunduang bilateral at multilateral
Globalisasyong Politikal
Ito ang pangunahing sektor ng ekonomiya ng Pilipinas. Pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya para makagawa ng bagong produkto o serbisyo. Tiga-kuha ng raw materials.
Sektor ng Agrikultura
Ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura ay:
- Pangingisda
• Paghahayupan
• Paggugubat
• Pagsasaka
Isang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas kung saan kinabibilangan ng makina, ito ang taga proseso ng hilaw na sangkap mula sa agrikultura sa tulong ng makinarya. Sa pamamagitan nito ay nadadagdagan ang kita ng bansa at napapasigla ang ekonomiya.
Sektor ng Industriya
Mga Halimbawa ng Sektor ng Industriya:
• Konstruksyon - nagtatayo ng mga imprastraktura na
kailangan sa negosyo
• Pabrika
• Pagmamanupaktura
• Pagmimina
Isang sektor sa ekonomiya ng Pilipinas na may malaking ambag sa ekonomiya ng bansa ang lakas paggawa ng mga manggagawa. Mahalaga ang sektor ng - dahil ito ang gumagabay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob at labas ng bansa.
Sektor ng Serbisyo
paggamit ng dahas, panloloko, at pananakot para piliting pagtatrabahuin o di kaya nagiging biktima nag sekwal na pang-aabuso o eksploytasyon.
Human Trafficking
mamamayan na nagtungon sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
Irregular Migrants
dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon
Flow
inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng osang ina (kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang mapangalagan ang buong pamilya lalo na ang mga anak
House Husband