Alokasyon Flashcards
(9 cards)
isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.
Alokasyon
ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
Sistemang Pangekonomiya
4 na Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Traditional Economy
Mixed Economy
Command Economy
Market Economy
Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay
nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala
Traditional Economy
Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang- ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
Market Economy
Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
Command Economy
Isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.
Mixed Economy
Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, dapat itong sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko:
- Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
- Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
- Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
- Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
“There isn’t enough to go around.”
John Watson Howe