Ap Flashcards
(61 cards)
Ano ang sistematikong pag-aaral ng kilos at gawi ng tao sa pagbuo ng pagpapasyang pangkabuhayan?
Ekonomiks
Sino ang ama ng makabagong ekonomiks na sumulat ng The Wealth of Nations?
Adam Smith
Anong sangay ng ekonomiks ang sumusuri sa kilos at gawi ng maliit na yunit ng ekonomiya tulad ng sambahayan at negosyo?
Microeconomics
Ano ang teorya ni David Ricardo na nagsasaad na ang isang bansa ay dapat magpakadalubhasa sa produktong may pinakamababang halaga ng oportunidad?
Theory of Comparative Advantage
Ano ang limitasyon o hangganan ng pinagkukunan yaman na isang permanenteng suliranin sa ekonomiya?
Kakapusan
Ano ang pansamantalang kakulangan sa supply ng produkto na maaaring matugunan ng produksiyon?
Kakulangan
Ano ang tawag sa paggawa ng desisyon kung saan kailangang isakripisyo ang isang bagay upang makamit ang iba pa?
Trade-off
Ano ang salitang Griyego na pinagmulan ng salitang ‘ekonomiya’ na nangangahulugang ‘tagapamahala ng sambahayan’?
Oikonomos
Anong uri ng ekonomiks ang nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya ng isang bansa?
Macroeconomics
Ano ang batayan ng pagpapahalaga ng isang produkto o serbisyo batay sa isinakripisyong oportunidad upang ito ay makuha?
Opportunity Cost
Ano ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ayon sa batas ng demand?
Di-tuwirang relasyon (Inverse Relationship)
Ano ang ugnayan ng presyo at quantity supplied ayon sa batas ng supply?
Tuwirang relasyon (Direct Relationship)
Ano ang tawag sa punto kung saan nagtatagpo ang demand at supply?
Ekilibriyo
Ano ang tawag sa kalagayan kung saan mas marami ang supply kaysa demand?
Surplus
Ano ang tawag sa kalagayan kung saan mas marami ang demand kaysa supply?
Shortage
Ano ang salik na nakakaapekto sa demand kung saan nagbabago ang kagustuhan ng mamimili batay sa uso at panlasa?
Panlasa
Anong uri ng produkto ang bumababa ang demand kapag tumaas ang kita ng mamimili?
Inferior Goods
Ano ang tawag sa produkto na bumababa ang demand nito kapag tumaas ang presyo ng kaugnay na produkto?
Complementary Goods
Ano ang tawag sa epekto kung saan naghahanap ang mamimili ng mas murang alternatibo kapag tumaas ang presyo ng isang produkto?
Substitution Effect
Anong uri ng produkto ang hinahangad bilhin ng mamimili kahit mataas ang presyo nito?
Superior Goods
Ano ang uri ng pamilihan kung saan maraming nagtitinda ng magkaparehong produkto at walang may kontrol sa presyo?
Ganap na Kompetisyon
Ano ang uri ng pamilihan kung saan may isang kompanya lamang na may kontrol sa isang produkto o serbisyo?
Monopolyo
Ano ang uri ng pamilihan kung saan iilan lamang ang negosyante na may kontrol sa supply ng produkto?
Oligopolyo