Ap 3 Flashcards
o Ito ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae.
SEX
Ito ay natatalaga sa pamamagitan ng genetic inheritance o pinagmulan ng ating lahi.
sex
Ito ay sinasabing permanente o hindi nababagong katangian na nakabatay sa anatomy at physiology.
sex
Ang ___ ang pisyolohikal at biyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba sa bawat babae at lalaki.
sex
ay tumutukoy sa gawi, pag-uugali, at mga saloobin na ikinakabit ng isang kultura sa pagkababae at sa pagkalalaki.
gender
Ito ang mga katangian ng mga babae at lalaki na idinidikta ng kanyang lipunan na ginagalawan o mas kilala natin bilang mga socially constructed gender roles.
gender
-Tumutukoy sa mga gawain o propesyon na iniuugnay sa babae at lalaki batay sa kasarian.
Gender Role
-Mga gawaing maaring gawin ng isang babae o lalake batay sa kanilang biological o physical na mga katangian.
-Tulad sa babae na nagbubuntis, nanganganak at nireregla.
SEX ROLE
Male or Female
Biologically Determined
Physiological
sex
Masculine or Feminine
Socially
Determined
Culturally
Determined
gender
- Kung sa ating pamilya ay malinaw ang hatian ng gender role kung saan ang ama ang naghahanap buhay. Ang ina ang naiiwan sa bahay.
Pamilya
-Sa pagtuntong sa paaralan, nakakikita rin tayo ng batayan sa magkakaibang gawain ng lalaki at babae.
Edukasyon
- Mahalaga rin ang papel ng ____ sa paghubog ng kamalayang pangkasarian, kung kaya’t mahalagang suriin kung ano ang katayuan ng kababaihan at iba pang kasarian sa iba’t ibang relihiyon.
Relihiyon
- Sa modernong panahon kung saan maagang nalalantad ang mga bata sa ___, lalo na sa mass media at social media, malaki ang nagiging impluwensiya ng nakikita nila sa media sa kanilang kamalayang pangkasarian.
Media
- Bukod sa pamilya, ang mga kaibigan ang madalas na makasama ng mga kabataan.
Kaibigan
Ang _____ ay tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal patungo sa isa pang indibidwal.
SEXUAL ORIENTATION
Ito ay tumutukoy sa mga indibidwal na nakararanas ng pisikal, emosyonal at sekswal na atraksyon sa mga indibidwal na may ibang kasarian sa kanila.
HETEROSEXUAL
Ito naman ay tumutukoy sa mga indibidwal na nakararanas lamang ng pisikal, emosyonal at sekswal na atraksyon sa mga indibidwal na kaparehas ng kanilang kasarian.
HOMOSEXUAL
Ito ay tumutukoy sa mga indibidwal na nakararanas ng pisikal, emosyonal at sekswal na atraksyon sa parehas na babae at lalaki.
BISEXUAL
Ito ay tumutukoy sa pakiramdam na mayroong potensiyal para sekswal na atraksiyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig, patungo sa mga tao ng lahat ng mga pagkakakilanlan ng kasarian at biyolohikal na kasarian.
PANSEXUAL
Ito ay tumutukoy sa mga indibidwal na hindi nagkakaroon ng atraksiyon sa kahit na sino anuman ang kasarian o pagkakakilanlan nito.
ASEXUAL
Ang pagkakakilanlang pangkasarian ay ang nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao, maging akma o hindi sa kanyang sex at birth.
GENDER IDENTITY
Kung ang kanyang biyolohikal na kasarian na kanyang nakuha sa kapanganakan ay nagtutugma sa kanyang gender identity.
CISGENDER