AP EKONOMIKS 1 Flashcards
(42 cards)
Tumutukoy naman sa pagsusuri sa mga salik ng produksiyon, distribusyon, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo at ang ugnayan sa pagitan ng mga mamili at ng mga negosyong nagbebenta ng mga produkto at serbisyo.
Ekonomiya.
Isang sangay ng Agham Panlipnan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunangyaman.
Ekonomiks.
Ang koleksiyon o lipon ng mga pangangailangan ng tao at ng mga gawaing tumutugon sa mga walang katapusang pangangailangan nila.
Ekonomiya.
Ang dalawang sangay ng Ekonomiks:
Maykroekonomiks at Makroekonmiks.
Tumatalakay, mamimili at ng mga indibidwal o kolektibong negosyo
Maykroekonomiks .
Tumatalakay sa pangkalahatang operasyon, interaksiyon pagbabahagi pinagkukunang-yaman ng mamamayan.
Makroekonmiks.
Nasusuri ang mga isyung pang-ekonomiya gamit ang scientific method na may sumusunod na proseso para sa pagsusuri at pagtugon nito:
- Pag-alam at pag-unawa sa suliranin;
- Pagbuo ng palagay o hypothesis;
- Pangangalap ng impormasyon o datos na kaugnay sa suliranin;
- Pagsusuri sa mga nakalap na datos;
- Pagsusuri sa palagay o hypothesis; at
- Pagbuo ng kongklusyon mula sa sinubukang palagay o hypothesis.
May tatlong schools of thought na nagsilbing pundasyon sa pag-aaral ng Ekonomiks:
Physiocracy, Classical, and Neo-Classical.
Naniniwala na ang kaunlaran ay nakasalalay sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangangasiwa sa mga lupain.
Physiocracy.
Ama ng Physiocracy.
Francois Quesnay.
Naniniwala na ang isang malayang sistema pinakikialaman ekonomiya; polisiyang ng ekonomiya o laissez faire
Classic.
Naniniwala na hindi lang sa pagpapalawak, pag-unlad , kita sa araw-araw na pangangailangan ng isang tao at ang tamang pagbabahagi ng kita.
Neo-Classic.
Ang iba-ibang antas ng hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow
ay ang mga sumusunod:
- Pangangailangang pisyolohikal;
- Pangangailangang pangkaligtasan o panseguridad;
- Pag-ibig at pakikisama
- atensiyon at pagkilala
- Kaganapan ng Pagktao.
Unang antas ay binubuo ng mga batayag pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, kasuotan, bahay, at malinis na hangin. Unang tinutugunan ng tao upang mabuhay.
Pangangailangang Pisyolohika.
Pangalawang antas ng mga pangangailangan. Matatamo ito mula sa pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay o pagkakakitaan upang matustusan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan sa pangmatagalan.
Pangangailangang pangkaligtasan o panseguridad;
Higit sa mga pisikal, naghahanap din ang tao ng pag-ibig, pakikipagkaibigan, at ang pakikisama mula sa iba-ibang tao na kapamilya. Karelasyon ang ganitong uri ng pangangailangan.
Pag-ibig at Pakikisama.
Ikaapat na antas ng pangangailangan. hinahangad ng tao ang makilala at igalang siya ng kaniyang kapwa upang mahikyat na maging isang produktibong mamamayan. Para kay maslow kumpiyansa at pag asa
Atensiyon at Pagkilala.
pinakamahirap at pinakamaselang pangangailangan na makakamit ng tao. hangarin na matamo ang lahat ng bagay na maaaring matamo ng isang tao sa kahit anong larangan.
Kaganapan ng Pagkatao.
Ay mga bagay na nais na makamit ng tao ngunit hindi kasinghalaga ng mga pangangailangan at nakatutulong ito upang mabigyan ng ginhawa ang tao.
Kagustuhan.
Ay mga bagay na lubhang kailangan ng tao upang mabuhay sa araw-araw.
Pangangailangan.
Ang ilan sa mga nakaiimpluwensiya sa uri ng pangangailangan ng tao ay:
Ang edad, kita, hanapbuhay, edukasyon, heograpiya, at kasarian.
Mababa ang dami ng mga kagustuhan, kaya hindi halos ginagawa ang alokasyon dito kung ikukumpara sa mga pangunahing pangangailangan na marami.
Alokasyon at Kagustuhan.
Ginaganap ang alokasyon sa mga pangunahing pangangailangan tuwing may mga panahon ng kagipitan para rito at dahil din sa kakapusan sa pinagkukunang-yaman na panustos para sa pagkamit nito.
Alokasyon at Pangangailangan.
Ang pangunahing pakay ng alokasyon ay upang maiwasan ang kondisyon ng kakapusan sa isang ekonomiya at, kung dumating man ang panahon ng kakapusan, upang maibsan ang mga epekto ng kakapusan para tumagal ang dami ng mga pinagkukunang-yaman.
Alokasyon at Kakapusan.