aralin 7 & 8 Flashcards
(46 cards)
malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay nakalaan pa rin sa
pagsasaka. At bagamat hindi direktang nakaapekto sa pangkabuhayan na karaniwang Pilipino ang pagsasaka, mayroon pa rin itong epekto sa marami. Dahil sa pagsasaka, nabibigyan ng trabaho ang mga Pilipino sa pagmamaneho, paggawa ng daan, pagtitinda, pag-inventory, at marami pang iba.
Pinakukunan ng kabuhayan
– sa pambansa scale, nakatutulong ang pagsasaka sa lipunan
dahil nagagawa nitong punan ang isa sa pinakamalalaking demand sa mundo: ang pagkain, at dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong magsasaka na makatulong sa paglago ng ekonomiya.
Kontribusyon sa Pambansang kita
– ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking eksporter ng bigas, mais, saging, at tabacco sa mundo. Dahil sa mga pageeksport na ito ay nakakapag-pasok tayo ng dolyar
sa bansa, na siya namang ginagamit natin upang makipagkalakal sa mga iba’t ibang bansa sa mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng mas mataas na tiwala ang mga investor na mag-impok at gumawa ng negosyo sa bansa.
Tulong sa International Trade
Ang Pilipinas ay kilala bilang bansa na pinakamaraming likas na yaman di tulad ng ibang bansa sa Asya. Buhat sa likas na yaman na handog sa atin ng Maykapal binayayaan din tayo ng Agrikulturang dapat nating pagyamanin ngunit hindi natin napapansin ang mga suliraning kinakaharap ng agrikultura.
Isyu sa Pagsasaka
Ang mga magsasaka ay patuloy na
gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka katulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na gawain kaya’t bumabagal din ang produksiyon sa agrikultura
Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya
– Dahil sa kakulangan ng sapat na
imprastraktura at puhunan ay maraming produkto ang hindi napakikinabangan dahil nasisira,
nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at prutas. Ang pagkasira ng mga produktong ito ay bunga ng
kawalan ng pag-iimbakan o storage at maayos na transportasyon.
Kakulangan ng sapat na impraspaktura at puhunan
– Malaki ring problema ang pagbibigay prayoridad
ng pamahalaan sa proteksiyon at pangangalaga sa industriya. Sapagkat maraming mga manggagawa at namumuhunan sa sector ng agrikultura ang nawawalan ng kita at nalulugi kaya’t nagiging dahilan ito sa pagbaba ng produksiyon
Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya
– Isa rin sa masasabing pinakamalaking suliranin
ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported goods. Globalisasyon ang naging susi upang dumami ang dayuhang produkto sa ating bansa.
Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas
Isa ito sa suliraning mahirap masolusyunan dahil na sa dugo na natin ang pagkahilig sa produktong gawa ng mga dayuhan. Ang suliraning ito ay ngadudulot ng kompetensya sa pagitan ng local na produkto at dayuhang produkto sa bansa.
Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas
– Malaking problema ang paglaki ng populasyon at pagiging modern n gating bansa dahil maraming mga gusali, komersyo, at subdibisyon ang pinapatayo kaya’t patuloy na lumiliit ang mga lupa na maaari sanang isaka at ang patuloy na pagkasira ng ating kapaligiran
Pagliit ng lupang pangsakahan
- ito ay sistemang Torrens sa panahon ng Amerikano na kung saan ang mga titulo sa lupa ay pinatalang lahat
Land Registrtion Act 1902
– nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupang pampubliko sa pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmamay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupa.
Public Land Act 1902
– nakapaloob ang National Resettlement at Rehabilatation
Administration (NARRA) sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebelding nagbabalik loob sa pamahalaan.
Kasama na ang mga pamilyang walang lupa.
Batas Republika Blg. 1160
– ito ay batas laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
– ito ay simula ng malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulo Diosdado Macapagal na nagsasabing ang mga nagbubungkal ng lupa ay
itinuturing na tunay na nagmamay-ari nito.
Agriculture Land Reform Code
– pinapatupad ng bats na ito na pinapalaya ang mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ang kanilang lupang sinasaka.
Batas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
– ang pagsasaka ay binibigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya (5) ng lupaing walang patubig at tatlong (3) kapag may patubig.
Batas ng Pangulo Blg. 27
– kilala sa tinatawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Cory Aquino noong Hunyo 20, 1988 na sinasabing ipinasailalim ng batas ang lahat ng publiko at pribadong lupang agricultural na napapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL).
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
Sa ilalim ng o mas kilala sa tawag na “_____________________________”, ang mga maliliit na
magsasaka ay binibigyan ng karapatan ng estado upang pag-ibayuhin ang kanilang mga kapakanan.
Magna Carta for Small Farmers
Ang mga magsasakang nabibilang sa kategoryang “______” ay ‘yung mga magsasaka na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang pagsasaka ng kanilang maliit na lupain at ang mga pinagbentahan, pinagpalitan ng kanilang mga produktong lupa ay hindi hihigit sa P180,000 kada taon base noong 1992 na presyo.
small farmer
Ang income level na ito ay pag-aaralan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of
Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) base sa epekto ng inflation rate at presyo sa pamilihan. Ang kaukulang halaga ng income level ay maaaring palitan ayon na rin sa pag-aaral ng _________.
DAR
Maraming mga manggagawang Pilipino ang humaharap sa iba’t ibang uri ng hamon sa paggawa. Ayon sa lektura ni __________________ narito ang mga pangkaraniwan at magkakaugnay na suliranin sa isyu
ng paggawa sa Pilipinas:
- mababang pagsahod
- iskemang subcontracting
- Kontraktwalisasyon
- Mura at Flexible Labor
- Underemployment
- Unemployment
- Brain drain
Prof. Jensen DG. Mañebog
Sa buwan ng Hunyo 2021, ang minimum wage sa National Capital region ay 433.06 para sa non-agriculture at 403.23 naman para sa agriculture. Pinakamababa sa lahat ng rehiyon ang sa Rehiyon
V na 231.17 lamang para sa agriculture at non-agriculture.
Mababang pasahod
Sinasabi ng marami na sa mahal ng bilihin sa kasalukuyan, gaano na lamang ang mabibili ng
nakatakdang minimum wage. Ayon naman sa mga kumpanya, kung tataasan pa ang itinatakda ng
minimum wage ay baka mapilitan naman silang magsara dahil liliit o mawawala na umano ang
kanilang tubo.
Mababang pasahod