ESP Flashcards
(38 cards)
kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya, kapasidad upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag- uugali ng iba, at lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat
Kapangyarihan
maipapamalas ito sa pamamagitan ng posisyon, organisasyon at pagiging lider ng isang grupo
Kapangyarihan
ay nakita niya bilang isang karapatang gamitin ang kalikasan nang walang pakundangan
Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao
pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan
Tunay na Pangangalaga sa Kalikasan
Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera.
Korapsyon
Ito ay iligal na pandadaya o panloloko.
Pakikipagsabwatan (Kolusyon)
Isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap.
Bribery o Panunuhol
Ang bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kaniya.
Kickback
Ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporason na ari o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso.
Nepotismo
Dahilan sa komersiyalismo at konsiyumerismo, nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging patapon o hindi na maaaring magamit.
Maling Pagtatapon ng Basura
Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabhay tayo at iba pang mga hayop.
Iligal na Pagputol ng mga Puno
Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng polusyon.
Polusyon sa Hangin, Tubig, at Lupa
Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan.
Overhunting at Overfarming
Ito ay nagbubunga ng pagkawala ng mga likas na yamang kailangan ng mga tao para sa kanilang ikinabubuhay.
Malabis at Mapanirang Pangingisda
Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying (paghuhukay).
Mining or Quarrying
Ang malawakang pag- iba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima.
Global Warming at Climate Change
Tumutukoy sa paguugaling tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga.
Komersiyalismo o Urbanismo
> Ito ay kabaligtaran ng salitang pagsisinungaling.
• Ito ay ang paghahayag sa totoo.
> Ito ay inaaasam ng bawat tao na makita, marinig o malaman ang katotohanan dahil ito ay magbibigay sa kanya ng kapanatagan, katiwasayan, at kaluwagan sa buhay.
• Ito ay mahalaga sapagkat magbibigay ito ng matatag na ugnayan at pagiging isa. Nagdudulot ito ng mabuti at matatag na pakikipagkapwa.
Katotohanan
Ito ay isang uri na kung saan sinasabi para maghatid ng kasiyahan lamang.
Jocose Lies
Tawag sa isang pagpapahayag upang maipagtanggol ang kanyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling.
Officious Lie
Ito ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Pernicious Lie
Ito ay ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat na maaaring masama o mabuti depende sa intensiyon.
Lihim