FIL Q4 - EL FILI Flashcards
(30 cards)
Ang mayamang magaalahas na nakasalaming may kulay na umano’y tagapayo ng Kapitan General ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
SIMOUN
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamayari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
KABESANG TALES
Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang Pilipinas.
ISAGANI
Anak ni Sisa na isa nang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
BASILIO
Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Siya’y may sinapit na masaklap na kapalaran.
JULI
Kilala sa tawag na Buena Tinta. Nasa kamay niya ang desisyon sa pagtatag ng akademya ng wikang Kastila.
DON CUSTODIO
Isang mamahayag na hindi totoo sa kanyang salita at mahilig magsulat ng sariling bersyon ng mga pangayayari o balita.
BEN ZAYB
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
TANDANG SELO
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
PLACIDO PENITENTE
Ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
PADRE SALVI
Ang mukhang artilyerong pari.
PADRE CAMORRA
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
PADRE FERNANDEZ
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
PADRE IRENE
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
SENYOR PASTA
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.
JUANITO PELAEZ
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
MACARAIG
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
DONYA VICTORINA
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
SANDOVAL
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
QUIROGA
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
PAULITA GOMEZ
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds.
IMUTHIS
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
HERMANA BALI
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
HERMANA PENCHANG
Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
PEPAY