FILIPINO W4 3Q Flashcards
(27 cards)
isang uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng marami. Dahil dito’y maraming makata ang nagsisulat nito kaya’t maituturing na napakalawak ng larangang ito ng panitikan.
Tula
Ito ay uri ng tula na itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay. Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang sinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Dahil ito ay punô ng damdamin, ito ay madalas ding gamiting titik ng mga awitin.
Tulang liriko o padamdamin
tungkol sa pagibig na kalimitang ginagamit sa pagpapahayag ng pagibig ng mga binata sa sinusuyo nilang dalaga. Ang paksa nito ay nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig.
Awit ( Dalitsuyo )
layunin nito ay maglarawan ng tunay na búhay sa bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang paksa sa tulang liriko.
Pastoral ( Dalitbukid )
ito ay isang uri ng tulang lirikong may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o kaya’y tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang taludturan.
Oda ( Dalitpuri )
Ito ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Ito ay isang maikling tulang liriko na nilikhang may aliw. iw ng awit subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya y apat na taludturang may apat na taludtod bawat isa
Dalit ( Dalitsamba )
Ito ay tulang may labingapat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyzyaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng bühay at kalikasan.
Soneto ( Dalitwari )
Ito ay may dalawang katangiang pagkakakilanlan. Una, ito ay isang tula ng pananagis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao; ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni.
Elehiya ( Dalitlumbay )
Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Ito ay may apat na uri
Tulang pasalaysay
Ito ang pinakamatayog at pinaka marangal na uri ng mga tulang ____ na ang mga pangyayari at kawilihan ay napipisan sa pagbubunyi sa isang bayani sanisang alamat o kasaysayang naging matagumpay sa mga panganib at kagipitan
Epiko ( Tulabunyi )
- ang uri ng tulang ito ay lumaganap sa europa sa pagitan ng ika-11 at ika-14 na dantaon.
-ito ay tula ng kasaysayang walang gaanong banghay at binubuo ng mga kabanatang tumutukoy sa mga pakikipagsapalaran puni ng mga hiawaga at kababalaghan
Merical romance ( Tulasinta )
pangunahing tauhan nito ay pangkaraniwang nilalang lámang. Gayundin, ang mga pangyayari sa tulakanta ay sadyang mazaring mangyari sa tunay na buhay.
Rhymed or Metrical Tale ( Tulakanta )
isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao’y nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang parzang payak at tapatan.
Ballad ( Tulagunam )
Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan.
Tulang Dula
Isang tao lámang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula at hindi limang para sa kanyang sarili kundil gayon din para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy na tula
Tulang Dulang Mag-isang salaysay ( Dramatic monologue )
Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan.
Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa-tawa may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakalilibang; at nagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos.
Tulang Dulang Katatawanan ( Dramatic Comedy )
Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawa ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana. Kalimitang ang wakas nito ay nagbubunga ng pagkahabag o pagkasindak sa panig ng mga nakikinig at nanonood.
Tulang Dulang Kalunos lunos
Ito ay isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao.
Tulang Dulang Madamdamin ( Melodrama in poetry )
Ito ay naglalarawan ng isuns
kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos.
Tulang Dulang Katawa-tawang Kalunos-lunos ( Dramatic Tragi-comedy in poetry )
Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang katuwatuwa. Ang balangkas nito ay higit na katawa-tawa kaysa makatwiran
Tulang Dulang Parse ( Farce in Poetry )
Ito ay tulang sagutan na itinanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain.
Tulang Patnigan ( Justice Poetry )
- isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao na bago pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno.
- ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno. Ang paksa nito ay pumapatungkol sa isang alamat na nauukol sa singsing ng isang dalaga na di umano’ y nahulog sa gitna ng karagatan.
- Ito ay binubuo ng mga saknong na may apatang taludtod at lalabindalawahing pantig.
Sinasabing ito ay higit na mainam kaysa sa duplo sapagkat ito ay nagaangkin ng malulundong talinghaga at malalalim na palaisipan.
Karagatan