final Ap Flashcards
(44 cards)
Kabuuang halaga ng mga tinatanggap na kita ng mga sektor ng ekonomiya
PAMBANSANG KITA
Ito ay sumusukat sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa maging saan mang bahagi ng mundo ito ginawa sa isang takdang panahon.
GROSS NATIONAL INCOME (GNI) o GNP
(Sino ang gumawa ng produkto)
Hal. Pilipino na nagtatrabaho bilang OFW sa Kuwait, US o gawa ng mga Pilipino.
GNI OR GNP
Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng _________.
Gross National Income
Ito ay halaga ng kabuuang produkto at serbisyong ginagawa sa loob ng isang bansa, na hindi tinitingnan ang pagkamamamayan sa isang takdang panahon.
GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP)
(Saan ginagawa ang produkto)
Hal. Mga produktong gawa dito sa Pilipinas kasama na ang mga gawa ng ibang lahi (Chinese, Amerikano at iba pa)
GDP
Economic Performance
• Tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa.
• Pangunahing layunin ng ekonomiya ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa bansa.
• Nasusukat ang economic performance sa pamamagitan ng GNI at GDP.
Ang pagkakaiba ng GNP at GDP ay ang _______.
pagbibigay kahulugan sa mga letra nito.
Hal. Kita ng mga OFW na nagtatrabaho sa Singapore ay ibinibilang sa Gross Domestic Product ng bansang Singapore ngunit hindi kabilang sa Gross National Income ng bansang ito. Sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay binibilang sa Gross National Income ng bansang Pilipinas.
Understand it
GNP o GNI
GDP
– Gawa Ng mga Pilipino
– Gawa Dito sa Pilipinas
Ang Pambansang Ekonomiya ay binubuo ng 4 na sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay:
Paraan batay sa Gastos / EXPENDITURE APPROACH
gastos ng mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, haircut at iba pa
a. Gastusing Personal (C )
gastos ng bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales sa produksiyon, sahod at iba pa
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I)
gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan
Gastusin ng Pamahalaan (G)
makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import
Gastusin ng panlabas na sektor (X – M)
ang anumang kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang
Statistical Discrepancy (SD)
tinatawag din na Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayunang nasa loob ng bansa.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
Formula sa pagkwenta ng GNI gamit ang ______
Ano ang formula?
expenditure approach
GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA
Kita ng Pambansang ekonomiya mula sa mga salik ng produksyon na nasa ibang bansa-pambayad utang sa dayuhang ekonomiya para sa angkat na mga salik ng produksyon.
NET FACTOR INCOME FROM ABROAD
NET FACTOR INCOME FROM ABROAD: and
Inflow and outflow
Mga salik ng produksyon na iniluluwas sa mga dayuhang ekonomiya kung saan kumikita ang pambansang ekonomiya.
INFLOW
Mga salik ng produksyon na inaangkat mula sa mga dayuhang ekonomiya.
Outflow
Ang National Economic Development Authority (NEDA) ay ang opisyal na tagalabas ng tala ng pambansang kita. Isang sangay ng NEDA ay ang National Statistics Coordination Board (NSCB) ang may tungkulin na magtala ng National Income Accounts. (GDP AT GNP).
Sangay ng Pamahalaan na Nagsusuri sa Pambansang Kita
Masusukat ang GDP ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng Agrikultura, Industriya, at Serbisyo.
Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya / INDUSTRIAL ORIGIN o VALUE ADDED APPROACH