Gender Spectrum Flashcards
(28 cards)
Ang tingin ng tao sa sarili bilang lalaki, babae, parehong babae at lalaki, o wala sa mga ito. Sariling pananaw ito ng tao at maaaring pareho o magkaiba sa kasarian nang siya ay ipanganak.
Gender Identity
Paraan ng pagpapahayag ng gender identity sa iba sa pamamagitan ng kilos, pananamit, gupit ng buhok, boses, at iba pa.
Gender Expression
Ang papel na ginagampanan, mga inaasahan, at kilos na inaasahan ng lipunan sa babae at lalaki.
Gender Role
Tumutukoy sa isang taong ang gender identity ay hindi katugma ng kasarian nang siya ay ipanganak.
Transgender
Tumutukoy sa atraksiyong romantiko o seksuwal sa isang taong may tiyak na kasarian.
Sexual Orientation
Ang mga taong tugma ang kasarian nang panganak, at tugma sa gender identity at gender expression.
Gender Normative/Cisgender
Mas malawak at mas pabago-bagong gender expression. Ang interes at kilos ay pabago-bago araw-araw.
Gender Fluidity
Taong walang seksuwal na atraksiyon sa iba at walang hilig sa sex.
Asexual
Taong may parehong atraksiyon sa babae at lalaki.
Bi-gendered
Tumutukoy sa taong itinatago ang kanyang sexual orientation.
Closeted/In the Closet
Ang paraan kung saan kinikilala, tinatanggap, at ipinagmamalaki ng mga lesbian, gay, at bisexual ang kanilang gender identity.
Coming out
Isang taong ang atraksiyong emosyonal, romantiko, at seksuwal ay para sa may kaparehong kasarian.
Gay
Akronim para sa Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender. Maaaring may karagdagang Q (Queer), I (Intersex), at A (Allied).
LGBT
Tumutukoy sa taong ipinanganak na may pisikal na tanda ng kasarian na hindi tiyak kung lalaki o babae.
Intersex
Tumutukoy sa isang babaeng may atraksiyong emosyonal, romantiko, at seksuwal para sa kapwa babae.
Lesbian
Katawagang naglalarawan sa mga taong sumasalungat sa mga katangian ng heterosexuality at gender traditionalism.
Queer
Isang paraan ng pagbago sa ari sa pamamagitan ng plastic surgery. Bahagi ito ng pagbago sa kasarian.
Sex Reassignment Surgery (SRS)
Ang samahang ito ay isang party-list na itinatag noong. Setyembre 1, 2003 sa pangunguna ni Danton Remoto na naglalayong mapangalagaan ang karapatan ng mga LGBTs
Ladlad party list
Ang pangunahin at pinakamatagal na samahan para sa LGBTQ+ sa buong UP System sa bansa.
.UP Babaylan
Isang kalipunan ng mga samahan ng LGBTQ kasama ang mga indibidwal na LGBTQ at mga taga-suporta nito na ang pangunahing layunin ay ang isulong at pangalagaan ang mga karapatan at pangunahing kalayaan ng mga LGBT sa pamamagitan ng paggawa o pagsuporta sa mga patakaran, ordinansa, at batas.
Lagablab
Samahang nakatala sa Security and Exchange Commission na naglalayong mapangalagaan ang mga karapatan ng mga maralitang tagalungsod na bahagi ng LGBTQ na kadalasang biktima ng diskriminasyon, nakararanas ng kakulangan sa edukasyon, kalusugan, at hanapbuhay.
Galang
Isang ecumenical at progresibong kristyanong simbahan na tumatanggap ng LGBTQ at mga pamilya nito. Pinagtutuonan ng simbahan ang pagmamahal bilang pinakamahalagang moral at kanila namang tinututulan ang pagbubukod o exclusion sa mga LGBTQ.
Open Table Metropolitan Community Church
kabilang dito ang iba-ibang uri ng manipulasyong pisikal at pasalita. Halimbawa ay ang pagsusuot sa bata ng mga damit panlalaki o pambabae.
Manipulasyon
Sa prosesong ito, ang atensiyon ng bata ay itinutuon sa mga bagay ayon sa kanyang kasarian.
Canalization