GROUP 1 Flashcards
(38 cards)
Sinabi ni ___ ang Aspeto ng ating kultura na malimit na kinatitisuran ng mga dayuhan ay ang mataas na antas na
pagkaalanganin sa ating pakikipag-ugnayan.
• Ang Pilipinas ay may ___ na kultura
dahil hindi direkta ang mensaheng nais nating
iparating sa ating kausap
Melba padilla maggay
High-context
Ito ay pangkagawiang komunikasyon na likas sa mga Pilipino. Ito ay isang maselang pamamaraan ng katutubong pagpapahayag na ‘di tuwiran at may pagkalihis sapagkat napapaloob sa kulturang matindi ang pagpapahalaga sa niloloob ng kapwa tao.
Pahiwatig
Isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis.
Pahaging
Isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o masanggi nang bahagya ang kinauukulan
Padaplis
Isang malawak na pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid.
Parinig
Tumutukoy sa’di tuwirang pahayag ng pula, puna, paratang at iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan
Pasaring
Isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang espiritu, sa pamamagitan ng manipestasyon nanahihinuhasa pakikiramdam, na nagpapahiwatig pagpapahiwatig ng pagkagalit, pagkainis, o
pagpaparamdam (ng espiritu) at pagpapabatid ng kung anong bagay.
Paramdam
Tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon, kadalasang
ginagawa kapag pakiwari ng nagmemensahe ay kulang siya sa sapat na pansin
Papansin
Isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa sandaling may pagkakataon. Ang nakaririnig dito aadalasan ay nayayamot.
Paandaran
to ay ginagamit bilang
pamamaraan ng komunikasyon
upang iparating ang mensahe sa kausap lalo na’t may maselang mensaheng nais iparating. Buhay na halimbawa ng sitwasyong ito ang alitan o samaan ng loob sa pagitan ng dalawang tao
Tulay o tagapamagitan
Isang mensaheng ang pinagtutuunan ay ang akto
ng pagpapadala sa pamamagitan ng isang sugo.
Pahatid
Mensaheng ipinasabi sa isang tagapamagitan.
Pasabi
Isang mensaheng nagsasaad ng atas o ibig ipatupad sa tumatanggap ng mensahe bilang pagsunod o pagbibigay-layaw sa
nagmemensahe.
Pabilin
Isang mensaheng ipinadadala roon sa panig na may kalayuan upang maluwalhating magkaintindihan.
Paabot
Tumutukoy ito sa pagpapaluwag ng sarili sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sakit ng loob na kinakailangang ilabas upang
mapawa ang hirap na nararamdaman
sa loob
Ihinga
Ito ay nangangahulugang kaharap at kapani-paniwala. Tungkol ito sa paghahayag o pagbubunyag ng katotohanan
Ipagtapat
paglalantad na madalas ginagamit sa mga bagay na maselan o nakatago dahil sa pagsasaalangalang sa mga sangkot subalit pilit pa
ring nangingibabaw.
Ilabas
maayos na pagsasalaysay; isang paguusap ng mga bagay na maaaring lihim o lingid sa iba maliban sa mga kapalagayang-loob o matalik na
kaibigan.
Ilahad
Pamamaraan ng komunikasyon gamit ang kilos ng katawan.
Kinesika
Komunikasyong ginagamitan ng espasyo
Proksemika
Komunikasyong naipaparating gamit ang tono ng pagsasalita.
Paralinggwistik/ vocalics
Komunikasyong nakabatay sa panahon o oras.
Chronemics
Komunikasyong nakabatay
sa pandama
Haptics
Damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao
Pagtatampo