Ice Breaker Flashcards
(7 cards)
Panuto
Punan ang patlang ng mga nawawalang letra upang matukoy ang inilalarawang salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. _ A _ _ U _ A L
Siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangan pag-aralan ang naturang paksa.
RASYUNAL
2.T _ N _ _ T _ B _ _ G B _ L A_ _K _ S
Karaniwang binubuo ng tatlong pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin tungkol sa pananaliksik ng isang paksa
TENTATIBONG BALANGKAS
3.M _ A H _ P _ T _ _ I S
Ang pinakalohikal o pinakamakatuwiran ng mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik upang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian.
MGA HYPOTHESIS
4.P _ N _ K _ L _ H _ T _ _ G L _ Y _ _ I N
Ang malawak at pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik.
PANGKALAHATANG LAYUNIN
5._ A G _ _ B _ L _ G _ K _ S
Sistema ng isang maayos na paghahati- hati ng mga kaisipan ayon sa tuntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat.
PAGBABALANGKAS
6.T _ Y _ K N _ _ A Y _ N I _
Dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba’t ibang aspekto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik.
TIYAK NA LAYUNIN