Kabanata 1 Flashcards
(33 cards)
Ano ang kabuuan ng “Tanggol Wika”?
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
Ano ang kabuuan ng “PSLLF”?
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
Kailan sinimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag-aaral, at nagmamahal sa wikang Filipino ang pananatili ng Filipino sa antas ng kolehiyo?
Hunyo 28, 2013
Sino ang nanguna sa laban noong Hunyo 28, 2013?
Tanggol Wika
Ano ang isinasaad ng CHED Memorandum Order (CMO) bilang 20, serye 2013?
Nagsaad ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon / Commission on Higher Education (CHED) ng bagong general education curriculum na walang Filipino bilang bahagi ng GE subjects sa antas ng kolehiyo.
Sino ang lumagda sa CHED Memorandum Order (CMO) bilang 20, serye 2013?
Punong Komisyoner na si Kom. Patricia Licuanan
Ano ang sinabing dahilan ng Komisyon sa pagbabago ng general education curriculum?
Pagpapaunlad ng edukasyong Pilipino sa antas kolehiyo bunsod ng implementasyon ng K to 12
Ano ang inilabas ng mga organisasyong pangwika, pangkultura, makabayang partylist group, at unibersidad?
Posisyong papel
Sino-sino ang bumubuo sa PSLLF?
Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Manila
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Unibersidad ng Santo Tomas
Far Eastern University
San Beda College
National Teachers College
Mindanao State University-Iligan Institute of Technology
Technological University of the Philippines
League of Filipino Students
Alliance of Concern Teachers
KATAGA
Anakbayan
National Commission of Culture and the Arts
Sino ang may akda ng “Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino bilang Asignatura sa Antas Tersyarya”?
Dr. Lakandupil Garcia
Kailan at saan nilagdaan ang “Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino bilang Asignatura sa Antas Tersyarya” ?
Mayo 31, 2013
St. Scholastica’s College Manila
Kailan nagpadala ng posisyong papel ang PSLLF sa CHED partikular na sa tanggapan ni Kom. Licuanan kung saan nakasaad ang mahalagang argumento kung bakit dapat manatili ang Filipino pinakasignatura sa kolehiyo?
Hulyo 14, 2014
Ano ang tatlong mahahalagang argumento ng PSLLF?
- Patakarang Bilinggwal/Department Order No. 25, Series of 1974
- Ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo. - Artikulo 14, Seksyon 3 ng 1987 Konstitusyon
-Palawakin ang paggamit ng Filipino bilang panturo sa kolehiyo. - Dapat ituro ang Filipino sa kolehiyo dahil sa patuloy na globalisasyon at ng ASEAN integration.
Kailan nabuo ang Tanggol Wika?
Hunyo 21, 2014
Sino-sino ang bumubuo sa Tanggol Wika na siyang itinuturing na pinakamalakas at pinakamaasahang balwarte ng Tanggol Wika?
DLSU
UP-D
ADMU
UST
PUP
Ano-ano ang apat na panawagan ng Tanggol Wika?
- Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong kurikulum sa kolehiyo.
- Rebisahin ang CHED Memorandum Order 20, Series of 2013.
- Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura.
- Isulong ang makabayang edukasyon.
Ilang ang lumagda nang nagpapirma ng petisyon ang Tanggol Wika?
Humigit-kumulang 700,000
Ano ang pamagat ng dokumentaryong inilabas ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UP Diliman?
“Sulong Wikang Filipino at Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?”
Kailan nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte Suprema?
Abril 15, 2015
Sino ang nanguna sa pagsasampa ng kaso?
Dr. Bienvenido Lumbera at 100 properso at iskolar
Paano nakatala ang nasabing petisyon/kaso?
G. R. No. 217451
Kauna-unahang buong petisyong nakasulat sa Filipino
G. R. No. 217451
Ano ang tatlong batas na nilabag ng CHED ayon sa petisyon?
- Batas Republika 7104
(Commission on the Filipino Language Act) - Batas Republika bilang 232
(Education Act of 1982) - Batas Republika bilang 7356
(An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts)
Kailan naglabas ang korte ng temporary restraining order?
Abril 21, 2015