Kahulugan at Katuturan Flashcards
(19 cards)
Ito ay kung saan ang konsepto ng pagkamamamayan (citizenship) ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konseptong ito na binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.
Legal na Pananaw
Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may lisang pagkakakilanlan at lisang mithiin. Binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
Polis
Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin at hindi lamangsarili ang iniisip kundi maging ang kalagayan ng estado.
Sila ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Maari din silang maging politiko, administrador, husgado, at sundalo.
Citizen
Ayon kay __ (__), ito ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado.
Murray Clark Havens (1981)
Isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon estado.
Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Citizenship
Sa Pilipinas, nakabatay sa __ ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.
Saligang-batas
Anong artikulo at seksiyon ito nakapaloob?
Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas:
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17,1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Artikulo IV: Seksiyon 1
Anong artikulo at seksiyon ito nakapaloob?
Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talatataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.
Artikulo IV: Seksiyon 2
Anong artikulo at seksiyon ito nakapaloob?
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
Artikulo IV: Seksiyon 3
Anong artikulo at seksiyon ito nakapaloob?
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalaim ng batas, na nagtakwil nito.
Artikulo IV: Seksiyon 4
Anong artikulo at seksiyon ito nakapaloob?
Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Artikulo IV: Seksiyon 5
Isa pang paraan kung paano natatamo ang pagkamamamayang Pilipino. Ang pagtalikod ng dayuhan sa kanyang pagkamamamayan upang tanggapin ang pagkamamamayang Pilipino. Ito ay maaring matamo sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng Kongreso.
Naturalisasyon
2 Prinsipyo ng Pagkamamamayan
- Jus sanguinis
- Jus soli o Jus loci
Ito ay kung saan ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus sanguinis
Ito ay kung saan ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
Jus soli o Jus loci
Ayon kay 1.__, isang abogado na sumulat ng librong “2.__”.
Bilang isang mamamayang Pilipino, may magagawa tayo upang matulungan ang ating bayan kahit sa maliliit na bagay na alam natin.
- Alex Lacson
- 12 little things every Filipino can do to help our country
Ito ay kung saan ang isang responsableng mamamayan, ay indasahang makabayan, may pagmamahal sa kapwa. May respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagampanan ang mga tungkulin bilang mamayan, may disiplina sa sarili at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Yeban (2004)
Ito ay aktibong pagtanggi sa pagsunod sa ilang mga batas, kagustuhan at mga utos ng pamahalaan o ng sumasakop ng pandaigdigang kapangyarihan sa pagamit ng walang karahasan.
Civil Disobedience
Ito ay kung saan ang mga Pilipino, kung ihahambing sa iba, ay may mataas na pananaw sa kung ano ang mga dapat gawin ng isang mabuting mamayan.
2004 Survey on Citizenship