KALIKASAN Flashcards
(46 cards)
nangangahulugan ng estado o kalagayan ng pangkalahatan na hayop, mga puno, kagubatan at iba pang bagay na kagaya nito sa buong mundo o tinatahanang lupa.
Kalikasan
tumutukoy sa mga buhay na nilalang at ‘di-buhay na mga bagay tulad ng bundok at iba pang anyong tubig o lupa na natural na umiiral kahit wala ang sangkatauhan.
Kalikasan
bumubuo sa kalahatang pisikal ng mundo at hindi kinabibilangan ng mga istruktura o konsepto na gawa ng tao
Kalikasan
Mga Iba’t ibang Suliraning/ Isyung Pangkapaligiran
- Pagkalat Ng Basura
- Pagmimina
- Deforestation
- Polusyon sa Hangin
- Polusyon sa Tubig
Ang problema natin sa “solid waste management” ay isa sa mga isyu na lahat tayo ay maaaring makatulong na masolusyunan. Isa sa pinakamadali nating gawin ay ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang lugar at hindi sa kung saan-saan lamang.
Pagkalat Ng Basura
Dahil sa kanilang mga gawain at hangaring magkaroon ng mas maraming pera, naapektuhan ang ating mga lupain at likas na yaman. Dahil dito, nagdudulot ng mga landslide, pagkasira ng kapaligiran at kapunuan sa isang lugar.
Pagmimina
Ang illegal na pagputol ng puno ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga kalamidad katulad lamang ng landslide at flash flood. Ayon sa mga experto ito ang pangunahing dahilan ng agrikultural na kaunlaran.
Deforestation
Nagmumula sa magkakahalong kemikal sa hanging, mga particulate matter at mga biological materials nagkakaroon ng reaksyon sa bawat isa at lumilikha ng isang maliliit at panganib na mga particle. Ito ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, pabalik-balik na sakit, pagtaas ng bilang ng nagpapa-ospital at minsan ay kamatayan.
Polusyon sa Hangin
Ayon sa Water Environment Partnership in Asia (WEPA), malaki ang problema ang kinahaharap ng Pilipinas kaugnay dito dahil sa maraming sektor ng lipunan ang nakadepende sa malinis na tubig. Ang pagtaas ng populasyon, urbanisasyon, agrikultura at industriyalisasyon ay nagdulot upang bumaba kalidad ng tubig sa Pilipinas.
Polusyon sa Tubig
Karamihan sa mga polusyon na ito mula sa wastewater:
- Industrial waste
- Agricultural waste
- Domestic Sewage
- Iba pang pinagmumulan
Mga heavy metal at iba pang kemikal tulad ng Mercury, Lead at Cyanide.
Industrial waste
Dumi ng hayop, patay na hayop at nabubulok na halaman.
Agricultural waste
Mga dumi galing sa kabahayan at pamayanan.
Domestic Sewage
Mga natapon na langis at mga illegal na tinapong mga basura sa ilog at dagat.
Iba pang pinagmumulan
Pagbabago ng klima sa karaniwang panahon na dapat sana mangyari sa isang lugar.
Climate Change/ Pagbabago ng Klima
Pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan/season.
Climate Change/ Pagbabago ng Klima
ang tinuturo dahilan ng pagbabago sa klima
Global warming
Ang pagtaas ng temperatura ay bunga ng
pagtaas ng greenhouse gas emission sa atmospera na sanhi ng industriyalisasyon.
nakahadlang sa pagsingaw ng init na dulot ng araw, hindi malayang nakakasingaw palabas sa atmosphere, natrap o nabitag ang init ng araw
greenhouse gas emission
Sanhi ng Climate Change/Pagbabago ng klima:
- Likas na mga sanhi:
a. Distansiya ng araw sa daigdig.
b. Pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.
c. Plate tectonics.
d. Orbital at solar variations. - Kagagawan ng tao:
a. Industriya
b. Agrikultura
c. Konstruksyon
Paggalaw ng Tectonic plates na nagbabago ang posisyon ng kalupaan at ayos ng katubigan na sanhi ng pagbabago ng topograpiya ng daigdig.
Plate tectonics
Pagbabago ng ikot ng daigdig na nakakaepekto sa layo at lapit nito sa araw.
Orbital at solar variations.
Sanhi ng polusyon sa hangin at tubig mula sa usok at dumi na hindi tama pagtapon ng mga basura nito na nagbubugang kagaya ng carbon dioxide,sulphuric acid,nitrogen acid,atbp.
Industriya
Kumbersyon ng mga kakahuyan sa kaparangan.(kaingin,mga pabahay)
Agrikultura