Kayarian Ng Salita Flashcards
(17 cards)
Ano ang PAYAK na salita?
Ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal, at hindi inuulit. Binubuo ito ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa: anak, kapatid, bahay, paruparo
Ano ang kayarian ng salita?
Ang kayarian ng salita ay binubuo ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.
Ano ang unlapi?
Ang unlapi ay panlaping ikinakabit sa unahan ng salita.
Halimbawa: maginhawa, umasa, nagsisi.
Ano ang gitlapi?
Ang gitlapi ay panlaping nasa gitna ng salita.
Halimbawa: tumawa, tinapos.
Ano ang hulapi?
Ang hulapi ay panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita.
Halimbawa: usapan, mithiin.
Ano ang kabitaan?
Ang kabitaan ay panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita.
Ano ang KABILAAN?
Panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita.
Halimbawa: kabaitan, patawarin
Ano ang LAGUHAN?
Panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa: pinagsumikapan, magdinuguan
Ano ang INUULIT?
Kayarian ng salita kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
Ano ang NUULIT NA GANAP?
Buong salitang-ugat ang inuulit.
Halimbawa: gabi-gabi, araw-araw, buwan-buwan
Ano ang INUULIT NA PARSYAL?
Isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa: lilima, pupunta, dadayo
Ano ang Inuulit na Ganap?
Buong salitang-ugat ang inuulit.
Halimbawa: gabi-gabi, araw-araw, buwan-buwan
Ano ang Inuulit na Parsyal?
Isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa: lilima, pupunta, dadayo
Ano ang Magkahalong Ganap at Parsyal?
Buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.
Halimbawa: illan-ilan, tutulog-tulog, lulundag-lundag
Ano ang Tambalan?
Kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.
Ano ang Tambalang Di-Ganap?
Kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nananatili.
Halimbawa: tulay-bitin, bahay-kubo, kwentong-bayan
Ano ang Tambalang Ganap?
Kapag nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng pinagtambal.