KOMPAN Flashcards
(73 cards)
Ito ay mula sa salitang Latin na lingua na nangangahulugang “dila” o “lengguwahe”.
Wika
ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Ito ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang simbolo at tuntunin
wika
Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang pagkakasunod-sunod ay makalilikha ng mga salita (morpema), na bumabagay sa iba pang mga salita (semantika), upang makabuo ng mga pangungusap
Masistemang balangkas
Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
SINASALITANG TUNOG
Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
ARBITRARYO
Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika.
Pinipili at isinasaayos
May kapangyarihan ang ating wika na makabuo ng marami pang salita mula sa iisang salitang-ugat lamang.
Katagang nanganganak ng salita
(word metamorphism)
Walang piping tunog sa ating wika. Bawat titik na bumubuo sa salita ay may tiyak at ispesipikong tunog o bigkas. Kung paano binigkas, ganoon din ang pagsulat, at kung paano nasusulat, ganoon din bibigkasin.
Kung ano’ng bigkas, siyang baybay (phonetic simplicity):
Isa pa rin sa katangian ng ating wika ay ang kakayahang magaya ang likas na tunog na kaugnay ng mga bagay o kilos na nakapaloob sa salita
Tunog Kalikasan (onomatopoeia)
Mahigpit na Kasaklawan at Pagkamaugnayin (neologistic cohesion)
Neologism ang tawag sa pagdurugtong ng unlapi sa mga salitang-ugat, nagkakamit ng isang antas ng kahulugan at nagpapakita ng maugnayin at masistemang istruktura ng wikang Filipino. Halimbawa: ang unlaping ka- na tumutukoy sa uri ng pagkakaugnayan (kakambal, kamag-anak, kasama, kabiyak, kaanak,atbp).
Ang wikang Filipino ay may katangiang pag-uulit ng kataga o salita.
Kataga at salitang inuulit
pambansang wika ng Pilipinas ay
Filipino
Wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon, halimbawa ay sa mga sangay ng pamahalaan o sa isang kompanya o sa isang organisasyon.
Wikang Opisyal
Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1935
Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na opisyal na mga wika.
Batay sa Artikulo XV, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1973:
Hangang walang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ay magpapatuloy na mga opisyal na wika.
Alinsunod naman sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987:
Ukol sa layunin ng mga komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng nasabing konstitusyon:
Alinsunod ng mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.
Opisyal na wikang gamit sa klase at talakayang guro-estudyante.
Wikang Panturo
Batay sa Revised Education program 1957:
Ang mga katutubong wika (unang wika ng mga estudyante) ang gagamiting wikang panturo ng iba’t ibang asignatura sa Baitang 1 at 2. Ituturo ang Ingles bilang hiwalay na asignatura simulaBaitang 3.
- Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
- Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng L1
Unang Wika
Habang lumalaki ang bata ay nae-expose siya sa iba pang mga wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa.
Pangalawang wika
Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.
Ikatlong Wika
Tawag sa pagpapatupad sa iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, France, South Korea, Japan, at iba pa, kung saan iisang wika lamang ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng asignatura.
Monolinggwalismo
Ang ay paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. (Leonard Bloomfield).
Bilinggwalismo