L2 Flashcards
(19 cards)
Juan 17:3
3At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.
Juan 17:1
1Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
I Corinto 8:6
6Nguni’t sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo’y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo’y sa pamamagitan niya.
Isaias 45:21
21Kayo’y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
Juan 4:24
24Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
Lucas 24:39
39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
Gawa 17:29
29Yamang tayo nga’y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.
Juan 4:23
23Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Mateo 6:9-10
9Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. 10Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
Roma 1:19-20
19Sapagka’t ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka’t ito’y ipinahayag ng Dios sa kanila. 20Sapagka’t ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila’y walang madahilan:
Genesis 17:1
1At nang si Abram ay may siyam na pu’t siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya’y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
Awit 19:1-4
1Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. 2Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman. 3Walang pananalita o wika man; Ang kanilang tinig ay hindi marinig. 4Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
Job 12:7-10
7Nguni’t tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo: 8O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo. 9Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, Na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito? 10Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa’t bagay na may buhay, At ang hininga ng lahat ng mga tao.
Hebreo 3:4
4Sapagka’t ang bawa’t bahay ay may nagtayo; datapuwa’t ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.
Isaias 45:18
18Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.
Awit 100:2-3
2Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. 3Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; Siya ang lumalang sa atin, at tayo’y kaniya: Tayo’y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
I Juan 2:3
3At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
Awit 95:6-7
6Oh magsiparito kayo tayo’y magsisamba at magsiyukod; Tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. 7Sapagka’t siya’y ating Dios, At tayo’y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!
II Tesalonica 1:8-9
8Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila ng hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: 9Na siyang tatangap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.