LIHAM Flashcards
(18 cards)
isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.
LIHAM
ay nakasulat na komunikasyon para sa isang tiyak na taong patutunguhan nito.
LIHAM
Bahagi ng liham
1.Pamuhatan
2.Patutunguhan
3.Bating Panimula
4.Katawan ng Liham
5.Bating pangwakas
6.Lagda
Mga Uri ng Liham
-Liham Pagbati (Letter of Congratulation)
-Liham Paanyaya (Letter of Invitation)
-Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)
-Liham Kahilingan (Letter of Request)
-Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)
-Liham Pagtanggi (Letter of Negation)
-Liham Pag-uulat (Report Letter)
-Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)
-Liham Pagbibitiw (Resignation Letter)
-Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)
-Liham Paghirang (Appointment Letter)
-Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)
-Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)
-Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry)
Pinadadalhan ng liham ang sinumang nagkamit ng tagumpay, karangalan o bagay na kasiya-siya.
Liham Pagbati (Letter of Congratulation)
sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon.
Liham Paanyaya (Letter of Invitation)
Pagpapahayag ng ___________ sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya at opinyon, at tinanggap na mga bagay.
Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)
Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihingi ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad, at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksyonal man o opisyal.
Liham Kahilingan (Letter of Request)
Liham na __________ at nagpapatibay at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring Samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung kinakailangan.
Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)
Nagpapahayag ito ng dahilan ng ________, di pagpapaunlak, di pagsang-ayon sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa.
Liham Pagtanggi (Letter of Negation)
Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain ng dapat isakatuparan sa itinakdang panahon.
Liham Pag-uulat (Report Letter)
Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang liham na naipadala na, subalit hindi na bibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalala upang bigyang-aksyon ang naunang liham.
Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)
Liham na nagsasaad ng __________ ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan.
Liham Pagbibitiw (Resignation Letter)
Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anumang transakiyon.
Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)
Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin, pagbabago/paggalaw (movement ng isang katungkulan sa isang tanggapan, o promosyon.
Liham Paghirang (Appointment Letter)
Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na naulila.
Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)
Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, aksidente o anumang sakuna ngunit buhay pa.
Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)
Liham ito na nagangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na impormasyon o paliwanag.
Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry)