Long Test Flashcards
(60 cards)
1.Pahayag 1-Si Claudio Ptolemy, griyegong topograpista ang naglapat sa pangalan ng bansa sa globo. Pahayag 2-Sa sinaunang mapa ng mundo Islas Maniolas ang pangalan ng lupaing Pilipinas.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
2.Pahayag 1-Diwang kolonyal ang naipunla at nalinang ng edukasyong mga kastila ang titser sa maagang yugto na nang lumaon ay mga gurong Pilipino na.
Pahayag 2- Inggles ang midyum ng pagtuturo sa edukasyong itinataguyod ng Amerika sa Pilipinas.
Ang unang pahayag ay mali, samantalang ang ikalawang pahayag ay wasto.
- Pahayag 1- Ang pagkatao ng mga nilalang sa lipunang Pilipino ay may dalawang sangkap: katauhang makabayan at katauhang kolonyal.
Pahayag 2- talino ang sumusustento sa kalikasang tao (rasyonal) –ang talino ay may hibo ng mga kauring kamalayan o class consciousness.
Ang unang pahayag ay mali, samantalang ang ikalawang pahayag ay wasto.
4.Pahayag 1- Isinilang ang mga Pilipino sa isang sistemang kultural na umiinog sa kasaysayan. Pahayag 2- Nakatimo sa isip ng sambayanan ang sagisag, mga tradisyon, kaugalian, pananaw sa buhay at mga pagpapahalagang pantao.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
5.Pahayag 1- kaisipan sa umiiral na kultura ng lipunang Pilipino: una, diwang burgis at ikalawa, diwang masa. Pahayag 2- Si Gat. Apolinario Mabini, suprema ng katipunan ay halimbawa ng sikohenesis.
Ang unang pahayag ay wasto, samantalang ang ikalawang pahayag ay mali.
6.Pahayag 1-Ang masang pakikibaka ay malayang aksiyon at repleksiyon o gawa at isip ng sambayanang lumilikha ng kanyang kapalaran.
Pahayag 2-Itinuturing ang pambansang praxis o praktika at teorya ng sigalot sa pamumuhay sa lipunan.
Kapuwa ang mga pahayag ay mali.
7.Pahayag 1-Ang masang pakikibaka ay malayang aksiyon at repleksiyon o gawa at isip ng sambayanang lumilikha ng kanyang kapalaran.
Pahayag 2-Itinuturing ang pambansang praxis o praktika at teorya ng sigalot sa pamumuhay sa lipunan.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
- Kaisipan o talino ng uring burgis maliban sa isa:
proletaryo
9.Inihahasik at nillinang ng mga aparato ng ideolohiya sa kamalayang panlipunan ang mga kaisipan maliban sa isa
Wala sa nabanggit
10.Itinuturing na mapaminsalang talino ng mga Pilipino maliban sa isa.
wala sa nabanggit
11.Ang lunsaran at sinupan ng pambansang karunungan ng Filipinolohiya maliban sa isa
wala sa nabanggit
12.Pahayag 1- May pananagutan ang mga guro sa akademya sa pananatili ng mapaminsalang talinong nakasanib sa kamalayang panlipunan ng kabihasnang Pilipino Pahayag 2- Sa katuturang akademiko ang Filipinolohiya ay ukol sa mga kursong dapat bukal ng mga katalinuhang panlipunan na inter aktibong pinagsisikhayan ng guro at estudyante sa sitwasyong pedagohikal.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
13.Pahayag 1- Ang batayan ng kagalingan ng konsepto ay kung mabisang nakawawasak ng katangahan. Pahayag 2-Ang hindi lamang nagbabago ay ang pagbabago.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
14.Pahayag 1- noong sinaunang panahon, ungol at bulyaw at galaw ng mga kamay at katawan ang wika o lengguwahe ng mga Homo Erectus.
Pahayag 2- Ideomotor ang nagpapakilos sa kahulugan, kabuluhan at katuturan ng mga ginagawa ng mga tao sa pamumuhay.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
15.Pahayag 1- Ang kulturang ungas ay isang litanya ng duyan at kabaong.
Pahayag 2- Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, simbahan, pamilya at gobyerno pawang mga aparato ng ideolohiya.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
16.Pahayag 1- Winawasak ng talino ang katangahan. Pahayag 2- Habang panahon nasisikil ang talino
Ang unang pahayag ay wasto, samantalang ang ikalawang pahayag ay mali.
17.Pahayag 1- Ang talino na ideomotor ay napakalakas na pwersa na batas ng kasaysayan.
Pahayag 2-Talino ang naghahatid ng pagbabago sa kaayusan at sa pagkatao ng sambayanan.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
Pahayag 1- kayang saklawin ng Filipino sa senior high school ang itinuturo sa kolehiyo ngayon
Pahayag 2- Paksang nasa lumang GEC na wala sa SHS ngayon tulad ng Introduksyon sa Filipinolohiya (Introduction to Philippine Studies)
Ang unang pahayag ay mali, samantalang ang ikalawang pahayag ay wasto.
19.Pahayag 1- Filipino ang wika ng 99% ng populasyon
Pahayag 2-Wala sa Top 10 Generally Spoken ang wikang Inggles batay sa sarbey ng Government Census Data 2000 and 2010
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
20.Pahayag 1- Sa mga bansang nagpapatupad na ng K to 12 gaya ng Estados Unidos, Espanya, Indonesia, at Malaysia, itinuturo pa rin bilang asignatura at ginagamit ding wikang panturo sa kolehiyo ang kanilang wikang pambansa at/o opisyal
Pahayag 2- Wikang global na ang Filipino (wika ng diasporang Pilipino; wika ng mga dayuhang nakapag-aral sa Pilipinas; wika ng mga Pilipino at dayuhang nag-aral/nag-aaral nito sa ibang bansa.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
21.Pahayag 1- Sa mga bansang nagpapatupad na ng K to 12 gaya ng Estados Unidos, Espanya, Indonesia, at Malaysia, itinuturo pa rin bilang asignatura at ginagamit ding wikang panturo sa kolehiyo ang kanilang wikang pambansa at/o opisyal
Pahayag 2- Wikang global na ang Filipino (wika ng diasporang Pilipino; wika ng mga dayuhang nakapag-aral sa Pilipinas; wika ng mga Pilipino at dayuhang nag-aral/nag-aaral nito sa ibang bansa.
Kapuwa ang mga pahayag ay wasto.
22.Pahayag 1- Posible ang inter/multidisiplinaring pagtuturo ng Filipino Pahayag 2- May Panitikan at Kasaysayan/History sa senior high school; may Panitikan sa bagong GEC sa kolehiyo; ngunit wala nang Philippine Government and Constitution sa bagong GEC sa kolehiyo
Ang unang pahayag ay wasto, samantalang ang ikalawang pahayag ay mali.
23.Pahayag 1-Isang banyaga at saling salita ang saliksik. Pahayag 2-Sa paaralan, pangunahing layunin ng kurikulum na magdulot ng isang organisado’t komprehensibong patnubay upang maisaloob ng mag-aaral ang isang matatawag na kultura ng saliksik.
Ang unang pahayag ay mali, samantalang ang ikalawang pahayag ay wasto.
24.Pahayag 1- Nagsasaliksik ang tao dahil may ninanais siyang pagbabago. Pahayag 2-Pagbabago para sa kaniyang personal na lunggati.
Ang unang pahayag ay wasto, samantalang ang ikalawang pahayag ay mali.