MK W2 - Aspektong Personal at Interpersonal na Komunikasyon Flashcards
(23 cards)
Ito ang pakikipag-usap ng isang tao sa kanyang sarili, pagdinig sa sarili habang nag-iisip at ang pagdama ng mga kilos ng katawan
komunikasyong personal/intrapersonal
madalas na ginagawa ang pakikipag-usap ng mag-isa
komunikasyong personal/intrapersonal
tumutukoy sa pagpapahalaga sa sarili at pagtitiwala sa sarili
komunikasyong personal/intrapersonal
nagsisilbing repleksyon upang masuri ang sarili
komunikasyong personal/intrapersonal
Katangian Intrapersonal:
pansarili, pagmumuni-muni, pagpaplano
nagaganap sa loob ng isipan, hindi nangangailangan ng tagapakinig o tagapagsalitan
pansarili
ginagamit sa pagninilay, pagpapasya, at pagsusuri ng sariling damdamin at kaisipan
pagmumuni-muni
ginagamit sa _____ ng mga gawain, pagbuo ng layunin, at pagdedesisyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay
pagpaplano
Kahalagahan ng Intrapersonal:
pagkilala sa sarili, pagpapabuti ng desisyon, pag-unlad ng personal na kasanayan
tumutulong ito sa mas malalim na pag-unawa sa sariling damdamin, kaisipan, at motibasyon
pagkilala sa sarili
sa pamamagitan ng maingat na pag-iisip at pagsusuri, mas nagiging epektiboo ang paggawa ng desisyon
pagpapabuti ng desisyon
nakatutulong ito sa paglinang ng mga personal na kasanayan tulad ng self-discipline at time management
Pag-unlad ng personal na kasanayan
Kaparaan ng Intrapersonal:
pag-uusap sa sarili (self-talk), pagninilay o pagmumuni-muni (self-reflection), pagpaplano at pagdedesisyon (planning and decision-making), pagkilala sa sarili (self-awareness), pagpapahalaga sa sarili (self-esteem), pag-alala at paggunita (memory and recall)
proseso kung saan ang isang indibidwal ay nakikipagpalitan ng kuro-kuro sa iba
komunikasyong interpersonal
dalawa o higit pa ang panig na nasasangkot sa pag-uusap kung kapwa nagtatagpo at nagkakaintindihan sa isa’t isa sa kanilang pangangailangang sosyal
komunikasyong interpersonal
Katangian Interpersonal:
maaaring berbal (salita) at di-berbal (kumpas, ekspresyon, tono), nagaganap ng harapan, telepono, o kahit sa pamamagitan ng social media, may aktibong palitan ng mensahe - may tagapagsalita at tagapakinig
Dalawang Uri ng Komunikasyong Interpersonal:
personal at impersonal
pamilyar at intimado ang relasyon ng AKO at IKAW
personal
hindi umaalinsunod sa mga idinidiktang alituntunin ang mga asal dito ng isat isa
personal
malaya at maluwag na pag-uusap
personal
pagiging pormal at paggamit ng ikatlong panauhan sa pag-uusap
impersonal
sumusunod sa mga alituntuning sosyal at may isinasaalang-alang na distansya
impersonal
pinipili ang mga salita at pinakainiingatan ang tono
impersonal