MAIKLING KWENTO Flashcards
(33 cards)
karamihan sa mga ito ay pasalin labi lamang o mga kwentong bayan.
panahon ng katutubo
tinagurian ang panahong ito bilang “Mga Gintony Dahon ng Panitikan” sapagkat ang binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng kalamnan.
panahon ng amerikano
_________ ________ ang manunulat na yumakap sa istilo at pormang dayuhan o tinatawag na makaluma.
unang pangkat
________ __________ ay hayagang tumangkilik sa tradisyonal na pagsulat o tinatawag na makabago.
ikalawang pangkat
pangkat ng mga klasistang manunulat,na naniniwalang ang pagsulat ay isang marangal na gawain kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao, na may mararangal at elitistang mga tauhan.
aristokrata
mga kwentistang produkto ng edukasyong kanluranin na tumutuligsa sa makalumang paraan ng pagsulat.
sakdalista
___________ ay maikli at masining. Isang upuan at sandaling panahon lamang ang ginugugol, agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.
maikling kwento
Masasabing gintong panahon ng Panitikang Filipino dahil pinairal ang paggamit ng wikang pambansa bilang midyum ng pagsulat.
panahon ng hapon
tinaguriang ama ng maikling kwento sa buong mundo
Edgar Allan Poe
Ama ng maikling kwento sa pilipinas.
Deogracias A. Rosario
inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
kwento ng tauhan
binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
kwento ng katutubong kulay
nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
kwentong bayan
pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
kwento ng kababalaghan
mga pangyayaring kasindak-sindak
kwento ng katatakutan
binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
kwento ng madulang pangyayari
ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito
ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
kwento ng sikolohiko
nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
kwento ng pakikipagsapalaran
nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
kwento ng katatawanan
tungkol sa pag iibigan ng dalawang
tao.
kwento ng pag ibig
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
panimula
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
saglit na kasiglahan
Problemang haharapin ng tauhan.
suliranin
May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa
sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
tunggalian