Mandato ng CLSU Flashcards
(5 cards)
PILOSOPIYA (PHILOSOPHY)
Ang pangunahing sukatan sa pagkamabisa ng Central Luzon State University bilang isang institusyon ng lalong mataas na pag-aaral ay ang ambag at impluwensya nito sa edukasyon, ekonomiya, sosyal, kultural, politikal at moral na kagalingan gayundin sa pangkapaligirang kamalayan ng mga mamamayang pinaglilingkuran nito.
BISYON (VISION )
Tanyag ang Central Luzon State University sa buong mundo bilang pambansang pamantasan para sa pananaliksik sa agham at teknolohiya na dalubhasa sa agrikultura at iba pang kaugnay na mga larangan.
MISYON (MISSION)
Lilinang ang Central Luzon State University ng pinalakas na yamang-tao na may kakayahang makipagsabayan sa daigdig, handa sa hanapbuhay, may pananagutan sa lipunan at may pagpapahalaga sa habambuhay na pagkatuto gayundin sa pagbuo, pagbabahagi at paglalapat ng mga kabatiran at mga teknolohiya tungo sa pag-ahon sa kahirapan, pangangalaga sa kalikasan at tuloy-tuloy na pag-unlad.
QPS 1 & 2
- Tungkulin namin ang pinakamahusay na paglilingkod sa sangkatauhan.
- Nakatalaga kaming panghawakan ang mga pagpapahalaga at prinsipyo ng CLSU, sumunod sa itinakda ng batas gayundin sa mga pamantayan nito sa pamamahala at patuloy na pag-ibayuhin ang sistema sa pagpapahusay ng CLSU.
QPS 3 & 4
- Nakalaan kaming luminang ng mga yamang-tao na may kasanayan at may kakayahang makipagsabayan sa daigdig at lumikha ng mga kaalaman at teknolohiya para sa pangkalahatang pag- unlad ng lipunan.
- Mahalaga ang inyong tinig upang higit na mapahusay ang kalidad ng aming paglilingkod.