Mga Nangyari Kabanata 1-10 Flashcards

1
Q

Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay sa liku-likong daan ng Ilog Pasig patungong Laguna.

Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don Custodio, Benzayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa usapan nila ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang mga gawain ng Obras del Puerto.

Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na daan mula pagpasok hanggang sa paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay siyang gagamitin upang takpan ang dating ilog.

Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-aksaya ng
malaking halagang pera. Kung hindi sapat ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng sapilitan at walang bayad.

Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang iminungkahi ni Simoun dahil maaari itong magsimula ng himagsikan.

Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog Pasig. Sa gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong pagkain ng pato. Ito’y hindi rin sinang-ayunan ni Donya Victorina dahil dadami ang balot na pinandidirihan niya.

A

KABANATA 1: Sa

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
1
Q

Marami ang sakay sa ilalim ng kubyerta. Katabi nila ang mga maleta, tampipi, at bakol. Malapit sila sa makina at init ng kaldero kung kaya’t halu-halo na ang mabahong singaw ng langis at singaw ng tao. Kabilang sa naroon sina Basilio, Isagani, at Kapitan Basilio.

Tungkol naman sa Akademya ng Wikang Kastila ang paksa ng usapan nila. Sinabi ni Basilio na magbibigay ito ng salapi, ngunit ang magtuturo ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila. Ang bahay naman ay magmumula kay Makaraeg. Bumaba si Simoun sa ilalim ng kubyerta at lumapit sa magkaibigan Isagani at Basilio. Pinakilala ni Basilio si Isagani kay Simoun. Hindi tinanggap ng magkaibigan ang paanyaya ni Simoun na uminom ng serbesa.

Binanggit ni Basilio na ayon kay Padre Camorra kulang sa lakas ang mga Pilipino dahil ito ay palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Sinagot ito ni Isagani, aniya ang tubig ay matamis at naiinom ngunit lumulunod sa serbesa at pumapatay ng apoy.Habang nag-uusap ay may dumating na utusan. Pinapatawag ni Padre Florentino ang kaniyang pamangkin na si Isagani. Ayon sa iba ay anak daw ito ni Padre Florentino sa dating katipan nang mabalo.

A

KABANATA 2

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ipinakita dito ang mabagal na pag-usad ng Bapor
Ang mga makapangyarihan sa silyosa ay ang mga mayayaman, mga prayle,mga kawani ng Gobyerno,
Napag-usapan ang mga problema ng bayan tulad ng ilog Pasig

A

KABANATA 1

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ipinakita dito ang sitwasyon ng mga nasa ilalim ng kubyerta ang mga mahihirap,
mga nagsusugal
mga manlalakbay
mga estudyante

A

KABANATA 2

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Alamat ng malapad na bato- bahay na bato na
pinamamahayan ng Espiritu
> Alamat ng Yungib ni Donya Geronima pinagawan
siya ng yungib ng dating kasintahan na nagging
Arsobispo o Pari bilang pambawi sa sakit na
idinulot sa donya
Alamat Buwayang Bato – malalaking buwaya ang
Sumusugod sa mga bangkang dumaraan sa ilog
Isang demonyo raw na nagpanggap na isang buwaya ang sumugod sa isang Tsino upang dalhin ito sa impyerno subalit dahil sa paghing niya ng tulong kay San Nicolas nagging bato ang mga buwaya.

A

KABANATA 3

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Nang dumating si Padre Florentino ay tapos na ang naganap na pagtatalo. Nagbubulungan ang mga prayle at pinag-uusapan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis at bayarin sa simbahan.

Habang nag-uusap ay dumating si Simoun. Pinanghinayangan ni Don Custodio dahil hindi nakita ni Simoun ang tanawin habang naglalakbay ang bapor.

Ani Simoun walang halaga ang magandang tanawin kung ito’y walang alamat. Sumagot si Don Custodio at sinabing may mga alamat ang nasabing ilog. Unang isinalaysay ni Don Custodio ang alamat ng Malapad na Bato. Noong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad na Bato na pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu. Ito ay nagsimulang maging tirahan ng mga tulisan na humaharang sa mga bangka nang mawala na ang pamahiin na iyon.

Ikinuwento naman ni Padre Florentino ang alamat ng yungib ni Donya Geronima. Si Donya Geronima ay tumandang dalaga dahil sa pag-iintay nito sa kaniyang kasintahan. Nag-arsobispo ang lalaki at pinatira naman niya ang Donya sa isang yungib.

Nagsalaysay naman si Padre Salvi ng ginawang himala ni San Nicolas kung saan ay nagawa nitong maging bato ang isang buwaya.Habang nag-uusap ang lahat ay may nabanggit si Ben Zayb tungkol sa pagkamatay ni Crisostomo Ibarra. Itinuro ng kapitan ng bapor kung saan tinugis si Ibarra labing-tatlong taon na ang nakalipas.

A

KABANATA 3

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Nagsalaysay ng Alamat ng Malapad na Bato

A

Don Custodio

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Nagsalaysay ng Alamat ng Yungib ni Donya Geronima

A

Padre Florentino

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Nagsalaysay ng himala ni San Nicolas

A

Padre Salvi

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo. Inalagaan niya ang isang bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nagmamay-ari nito. Kasama niya roon ang kanyang ama, asawa, at mga anak.

Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito. Subalit malapit na sana nilang anihin ang mga unang tanim nang biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga pari. Hinihingian ng nasabing korporasyon si Tales ng dalawampu o tatlumpung piso kada taon.Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na kabaitan. Habang lumalaki ang kanyang ani ay lumalaki din ang hinihinging buwis ng korporasyon.

Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na gawin itong Kabesa ng barangay dahil kita naman ang naging pag-unlad nito. Plano sana niyang pag-aralin ang kaniyang dalaga sa Maynila ngunit ito ay di nangyari dahil sa taas ng buwis.Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay napilitan na itong tumutol. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito makakapagbayad ng buwis ay sa iba nalang ipapatanim ang lupa.

Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili parin itong bigo. Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa bukid upang ipagtanggol ang sarili kung sakaling may tulisan.Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang dinala nito. Sinamsam ang dala nitong gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala. Nabihag si Tales ng mga tulisan at ipinapatubos ito sa halagang limang daang piso.

Napilitang ipagbenta ni Huli ang lahat ng kaniyang alahas maliban sa agnos na bigay ni Basilio. Ngunit hindi parin ito sapat upang matubos si Tales kaya namasukan ito bilang utusan.Nalaman ni Tandang Selo ang ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain at nakatulog nang gabing iyon. Sa halip ay umiyak lang ng umiyak ang matanda.

A

KABANATA 4

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Dumating si Basilio sa San Diego habang kasagsagan ng prusisyon. Naabala ito sa daan nang bugbugin ang kutserong kaniyang sinasakyan noong dumaan sa kwartel. Nalimutan ni Sinong na dalhin ang kanyang Sedula.

Iniutos ni Basilio na palakarin nalang ang kaniyang sinasakyan nang makaraan ang prusisyon. Nalibang ito sa mga nakikita niya habang naglalakd kung kaya’t hindi na niya napansin ang pagkawala ng ilaw sa parol ng karitela. Nang muling mapatapat sa kwartel ay nabugbog ulit ang kutsero dahilan kung bakit naglakad nalang ito.

Tanging ang bahay ni Kapitan Basilio ang nag-iisang masaya sa lahat ng nadaanan niya. Nagulat ito nang makita niyang kinakausap ni Kapitan Basilio, kura, at alperes si Simoun.

Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating sa tahanan ni Kapitan Tiago na kaniyang tinutuluyan.Nalaman niya ang balitang pagkabihag kay Tales dahilan kung bakit hindi ito nakakain ng gabing iyon.

A

KABANATA 5

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Inaangkin ng mga Prayle ang kanyang mga lupain
Pinagbabayad ng buwis na 20-30 piso kung hindi
ay aagawan sila ng lupa
Isang araw binihag ng tulisan si Kabesang Tales
at pinagbabayad ng 500 piso
Ibinenta ni Huli ang kanilang alahas at bahay
upang may pambayad
Nangutang kay Hermana Penchang at bilang kapalit maninilbihan ito sa kanya.
Hindi pinaboran ng hukuman ang hiling ni Kab.
Tales dahil sa takot nito sa Prayle

A

KABANATA 4

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Sa Paglalakbay ni Basilio ay nakalimutan ni
Basilio ang kanyang Sedula kaya siya hinuli.
> Walang ilaw ang kalesa nang sumapit ang gabi
kaya siya muling nahuli
> Hindi nakakain ng Noche Buena si Basilio noong
nalaman ang nangyari kay Huli at Kab.Tales

A

KABANATA 5

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Hatinggabi nang palihim na tumungo si Basilio sa kagubatan na pagmamay-ari ni Ibarra na nabili naman ni Kapitan Tiago. Tumigil si Basilio sa bunton ng mga batong malapit sa kinalalagyan ng punong balite, kung saan nakalibing ang kanyang ina.

Sa tuwinang umuuwi si Basilio sa bayan na iyon ay una niyang dinadalaw ang yumaong ina ng palihim. Muli nitong naalala ang pagkamatay ng ina at ng lalaking sugatan na si Elias labingtatlong taon na ang nakaraan.Sa pamamagitan ng perang ibinigay ni Elias ay lumisan si Basilio sa bayan na iyon at nagtungo sa Maynila. Walang sinuman ang tumanggap dito dahil sa ito ay may sakit, marumi, at gula-gulanit na kasuotan.

Nagtangka siyang magpasagasa sa dumadaang sasakyan mabuti’t nakita siya ni Kapitan Tiago. Dito ay pumasok siya bilang alila nang hindi binabayaran. Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na mag-aral si Basilio sa San Juan de Letran.Mula ng pumasok si Maria Clara sa kumbento ay kinamuhian na ni Kapitan Tiago ang mga pari. Pinalipat ito sa Ateneo Municipal at mas lalo pang nagpakadalubhasa sa pag-aaral

.
Ngayon ay nasa huling taon na siya sa Medisina. Dalawang buwan pa at magiging isang ganap na doktor na si Basilio. Pagkatapos ay muling babalik sa bayan at papakasalan si Huli.

A

KABANATA 6

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Isang Ulila sa magulang, namatay ang kanyang nanay na si Sisa.
Walang tumatanggap sa kanya sapagkat wala siyang gaanong alam sa wikang Espanyol
Naging utusan siya ni Kapitan Tiyago na sya ring nagpaaral sa kanya
Nakamit niya ang Sobresaliente na marka dahil sa
talino at husay niya.
Naging ganap siyang Doktor

A

KABANATA 6

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig na mga yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan. Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na mag-aalahas. Inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay.
Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing tatlong taon na ang nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay Elias.

Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay. Nagpakikila si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya’t siya naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun.

Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil.

Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di pagkakaunawaan. Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio. Aniya ang Kastila ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan. Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang wikang Kastila ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito.

Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang planong paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Kastila. Ngunit hindi pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na walang katapusan ang karunungan. Ang galing ng tao ang siyang magiging paraan upang maging malaya ang lahat ng tao.

A

KABANATA 7

16
Q

Umalis sariling bayan upang magpayaman at
maghiganti
Isang mang-aalahas at tagapayo ng Heneral
Tumutol sa pagbuo ng wikang Espanyol

A

KABANATA 7

17
Q

Madilim pa ay gising na si Huli. Naisip niya na baka gumawa ng himala ang Birhen kaya hindi sumisikat ang araw. Ngunit mali siya dahil sumikat ang araw.Sunod naman niyang tinignan ang ilalim ng imahen ng Birhen upang silipin kung may salapi ngunit nanatili itong bigo.

Dahil sa magkasunod na pagkabigo ay inaliw nalang ni Huli ang kanyang sarili.
Malapit lang ang kanyang paglilingkuran na tahanan at balak nitong umuwi tuwing makalawa upang dalawin ang kaniyang lolo. Iniayos ni Huli ang kanyang tampipi at agad na lumapit sa kanyang lolo na si Tandang Selo upang halikan ang kamay nito.

Ibinilin ni Huli kay Selo na sabihin sa kanyang ama na siya ay napasok sa pinakamurang kolehiyo. Dali-daling umalis si Huli ang makita nitong natitigmak na sa luha ang kaniyang lolo. Araw ng Pasko, marami ang dumalaw na kamag-anak ni Selo. Ngunit marami ang nagtaka dahil hindi makapagsalita si Selo kahit isang kataga. Ito’y napipi.

A

KABANATA 8

18
Q

Naging pipi si Tandang Selo
Dinamdam niya na hindi man lamang siya binati ni Huli
Naging abala si Huli sa kanyang paninilbihan kay
Hermana Penchang

A

KABANATA 8

19
Q

Mabilis na kumalat ang balitang pagkapipi ni Tandang Selo. Nang marinig ni Hermana Penchang, amo ni Huli ay sinabing iyon ay parusa ng langit dahil hindi marunong magdasal ang dalaga.Nang mabalitaan din nito ang pagluwas ni Basilio upang kumuha ng perang pantubos kay Huli ay higit itong nangamba sa kaligtasan ng dalaga.

Si Hermana Penchang ay may paniniwalang ang mga kabataan na nag-aaral sa Maynila ay nasasawi at nagsasama pa ng iba.
Iniutos ni Hermana Penchang kay Huli na basahin ng paulit-ulit ang aklat na may pamagat na “Tandang Basiong Makunat” at ibinilin na makipagkita lagi sa pari upang maligtas nag kaluluwa nito.Sa kabilang dako ay nagdidiwang ang mga pari dahil sa pagkapanalo sa usapin. Nang dumating si Tales buhat sa pagkabihag ng mga tulisan ay naipamigay na sa iba ang kaniyang lupain.

Nakatanggap din siya ng kautusan na lisanin ang kanilang tirahan sa loob ng tatlong araw. Walang ginawa si Tales kundi tahimik na nakaupo sa tabi ni Selo maghapon.

A

KABANATA 9

20
Q

gawa sa ano ang bahay na ipinagawa ni Kabesang Tales?

A

tabla

21
Q

libro na pinabasa ni Hermana Penchang kay Juli

A

Tandang Basiong Makunat

22
Q

puno kung saan nakalibing si Sisa

A

balete

23
Q

Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang ang may kasalanan sa ipinagkaganoon ng matanda.
Dinukot si Kabesang Tales ng mga tulisan.

Si Hermana Penchang ang amo ni Huli
Sinisi ni Hermana Penchang si Tandang Selo sa nangyari dahil di tinuruan ang mga anak at apo ng pagdarasal kaya si Huli ay di marunong magdasal.

At si Basilio daw ay demonyong nag-anyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping pinabilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang.
Kumuha ng manggagawa si Huli,
Walang kibo si Kabesang Tales habang nakaupo sa isang tabi.

A

KABANATA 9

24
Q

Si Simoun ay nagtungo sa bahay ni Kabesang Tales upang magbili at makipagpalitan ng alahas. Kabilang sa mga mamimili sina Kapitan Basilio, ang kanyang asawa at anak na si Sinang, at si Hermana Penchang.Marami ang humanga nang ilabas ni Simoun ang mamahaling hiyas.

Marami ang nagsibili.
Inalok ni Simoun na bilihin ang agnos ni Maria Clara na napunta kay Huli, ngunit kailangan munang puntahan ni Kabesang Tales si Huli upang isangguni ang tungkol dito.Nangakong babalik ito bago mag takipsilim ngunit hating gabi na ay di parin bumabalik si Tales. Nakatulog si Simoun sa kakaintay.

Nang magising kinaumagahan ay wala na ang dala niyang rebolber ngunit may isang liham na mula kay Tales.Ayon sa sulat, kinuha ni Tales ang rebolber dahil kailangan niya ito sa panunulisan sa halip iniwang kapalit ni Tales ang agnos ni Maria Clara.

A

KABANATA 10