Mga Panunuring Pampanitikan Flashcards
Ito ay uri ng pagbasa na isang malaking kilusan sa sining at panitikan na umusbong sa Europa noong huling bahagi ng 1800.
Romantisismo
TAMA O MALI
Binibigyang-diin ng Romantisismo ang rebolusyon kaysa konserbatismo, imahinasyon kaysa katwiran, at likas kaysa pagpipigil.
TAMA
Ito ay isang dulog pampanitikan na nakatutok sa kayarian ng teksto kung saan ang ganitong pagbasa sa panitikan ay iniudyok ng mga kilusan sa sining na naniniwalang ang sining ay marapat na nakapagsisilbi lamang sa sarili.
Dulog Formalismo
Ito ay ang paniniwalang ang sining ay marapat na nakapagsisilbi lamang sa sarili.
Art For Art’s Sake
Ito ay isang uri ng talatanungan na partikular na binuo upang makakalap ng datos para sa isang pananaliksik.
Sarbey
Ano-ano ang anim na hakbang sa pagbuo ng sarbey sa isang pag-aaral?
(1) Tukuyin ang layunin
(2) Pumili ng estratehiya sa pagtatanong
(3) Magkaroon ng close-ended questions
(4) Maglaan ng mga balanseng katanungan
(5) Kilalanin ang privacy ng mga kalahok
(6) Magsagawa ng test drive
Ito ay uri ng panunuring nakatuntong sa kakayahan ng taong mapagtagumoayan ang maraming balakid.
Dulog Humanismo
TAMA O MALI
Ang Romantisismo ay nakatutok sa kabuuan ng tao higit sa anumang elemento sa isang akda.
MALI
Dulog Humanismo
TAMA O MALI
Makikita rin sa Dulog Formalismo ang pagpapalutang sa damdamin kaysa isipan.
MALI
Romantisismo
Ito ay karaniwang ginagamit bilang instrumento sa pakikipagtalastasan.
Pakikipanayam
Ayon sa kaniya, ang pakikipanayan ay pakikipag-usap sa isang taong may mahalagang kinalaman sa isang paksa upang makakuha ng kaukulang datos na makatutulong sa pananaliksik.
Constantino et al. (1997)
Ano ang dalawang paraan na maaaaring maganap sa pakikipanayam?
(1) Pormal na pakikipanayam
(2) Impormal na pakikipanayam
Ito ay ang harapang pag-uusap ng kumakapanayam at ng kakapanayamin, kung saan mayroon silang nakapagkasunduang takdang araw, lugar, at oras sa gaganaping panayam.
Pormal na pakikipanayam
Ito ay ang pakikipanayam sa pamamagitan ng talakayan o kuwentuhan na malayang inilatag ang mga katanungan para sa kinakalap na datos.
Impormal na pakikipanayam
Ano ang ibang tawag sa impormal na pakikipanayam?
Ambush interview