Mga Tauhan ng Nobelang Noli Me Tangere Flashcards
(11 cards)
Binatang nag-aral sa Europa at kasintahan ni Maria Clara
Juan Crisostomo Eibarramendia y Ibarra
Siya ang kasintahan ni Ibarra na larawan ng isang dalagang Pilipina
Maria Clara delos Santos
Isang Piloto na may sawing kapalaran na tumulong kay Ibarra upang makilala ang kanyang bayan
Elias
Siya ang madalas hingan ng payo ng matatalino para sa kanila siya ay Pilosopo subalit para sa mang-mang siya ay baliw. Taglay niya ang katangian ni Rizal.
Pilosopo Tasyo
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; Siya ang ninong ni Maria Clara at kumpesor ng ama nito na si Don Santiago.
Padre Damaso
Mayamang mangangalakal ng Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay tinaguriang Sakristang Tiyago dahil sa pagiging sunod-sunuran nito.
Don Santiago “ Kapitan Tiyago” delos Santos
Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinaiingitan ni Padre Damaso dahil sa yaman na kanyang taglay.
Don Rafel Ibarra
Ang martyr na asawa ni Pedro at ina ni Crispin at Basilio. Para sa kanya Diyos ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak ang anghel.
Sisa
Ang pumalit na kura sa Bayan ng San Diego na nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Maria Clara.
Padre Bernardo Salvi
Paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Ibarra
Padre Sibyla
Ang panganay na anak ni Sisa na isang sakristan sa Simbahan.
Basilio