MODULE 4: Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Panahon ng mga Amerikano) Flashcards
(34 cards)
Sino ang namuno sa mga Amerikanong dumating sa Pilipinas matapos ang mga Espanyol?
Si Almirante Dewey
Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil?
nadagdagan ng Wikang Ingles
Ano ang ginamit na wikang panturo sa panahon ng Amerikano?
Wikang Ingles
Anong mga antas ang ginamitan ng wikang Ingles bilang wikang panturo?
antas primarya hanggang kolehiyo
Nagkaroon ng _______ ___________ ng ___________ sa kapuluan dahil sa pagnanais na maisakatuparan ang plano alinsunod sa pakikipagugnayan
pambansang sistema ng edukasyon
Ano ang inaasahang mangyari sa pagkakaroon ng sistema ng edukasyon? (2 ang inaasahan)
- magiging tama ang edukasyon ng mamamayan
- masasaklaw at maituturo sa mga Pilipino ang pamamahala sa sariling bayan
Sino ang naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya?
Jacob Schurman
Ano ang itinakda ng komisyon sa Batas Blg. 74 noong Marso 24, 1901?
- nagtatag ng mga paaralang pambayan
- nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo
Ano ang 3Rs?
Reading, Writing, Arithmetic
Ano ang hindi maiwasan ng mga gurong magamit sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral?
Ang bernakular
Kanino nirekomenda ng Superintende Heneral ng mga paaralan na gamitin ang bernakular bilang wikang pantulong?
Gobernador Militar
Sino ang nagrekomenda sa Gobernador Militar na gamitin ang bernakular bilang wikang pantulong?
Superintende Heneral
Sino ang nagpatibay sa resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya, at Ingles- Bikol?
Lupon ng Superyor na Tagapayo
Apat (4) na librong pamprimarya
- Ingles-Ilokano
- Ingles-Tagalog
- Ingles-Bisaya
- Ingles-Bikol
Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang ________ para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.
wikang Tagalog
Ano ang pinagtibay sa taong 1906 para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral?
isang kurso sa wikang Tagalog
Nang sumunod na taon, (1907) may bill na ipinakilala sa Asembleya. Ano ang iminumungkahi nito?
paggamit ng mga diyalekto sa PAMBAYANG paaralan, ngunit ito ay hindi napagtibay
Mga naunang nagsipagturo ng Ingles
mga sundalo
sumunod na grupong nagturo ng Ingles pagkatapos ng mga sundalo
Thomasites
kalihim ng Pambayang Pagtuturo
bise Gobernador Heneral George Butte
ano ang pinahayag na pahayam ni bise Gobernador Heneral George Butte?
paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral.
Sino ang dalawang taong sumang-ayon sa panayam ni George Butte?
Jorge Bocobo at Maximo Kalaw
Matibay ang pananalig ng Kawani ng Pambayang Paaralan na?
nararapat lamang ang ingles ang ituro sa pambayang paaralan
MGA DAHILAN NG PAGTAGUYOD NG PAGGAMIT NG INGLES (8)
- ang pagtuturo ng bernakular sa paaralan ay magiging problema sa administratibo at mga mag-aaral na lumipat sa ibang pook ng kapuluan
- ang paggamit ng iba’t ibang bernakular ay magdudulot lamang rehiyonalismo imbes na nasyonalismo
- hindi magandang pakinggan ang magkahalong ingles at bernakular
- malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles para maging wikang pambansa
- ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaron ng pambansang pagkakaisa
- ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal
- ang ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham
- yamang nandito na ang mga ingles ay kailangang hasain ang paggamit