Module 7: Pagsulat ng Talumpati Flashcards
(36 cards)
Uri ng sining na nagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalita
Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga taga-pakinig
Talumpati
Apat na uri ng Talumpati - batay sa kung paano binibigkas sa harap ng tagapakinig
Biglaang Talumpati (Impromptu)
Maluwag (Extemporaneous)
Manuskripto
Isinaulong Talumpati
Ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda
Ang mahalagang impormasyon ay kailangan maibahagi sa tagapakinig
Biglaang Talumpati (Impromptu)
Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay
Makatutulong ang outline
Maluwag (Extemporaneous)
Ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik
Matagal ng panahon ang paghahanda
Manuskripto
May pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang gawang manuskrito kundi sinasaulo
Ang kahinaan ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa
Isinaulong Talumpati
Anim na uri ng talumpati batay sa layunin
Talumpating nagbibigay ng impormasyon
Talumpating panlibang
Talumpating pampasigla
Talumpating Panghikayat
Talumpati ng pagigibay-galang
Talumpati ng papuri
Ipabatid ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari.
Gumagamit ng dokumentong mapagkakatiwalaan, larawan, tsart, dayagram, atbp.
Hal: SONA
Talumpating nagbibigay ng impormasyon o kabatiran
Magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig
Lahukan ng mga birong nakakatawa na may kaugnayan sa paksa
Hal: Talumpati sa salusalo, Pagtitipong sosyal, atbp.
Talumpating panlibang
Magbigay inspirasyon sa mga nakikinig
Ang nilalaman ay nakapupukaw at nakasigla ng damdamin at isipan
Hal: Pagtatapos sa paaralan o pamantasan
Talumpating pampasigla
Hikayatin ang mga tagapakinig sa tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati
Nagbibigay ng katwiran at patunay
Talumpating Panghikayat
Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon
Pagtanggap sa bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin
Talumpati ng Pagbibigay galang
Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan
Hal: Eulogy, talumpati sa paggawad ng medalya or sertipiko sa isang tao, tlaumpati sa pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal
Talumpati ng Papuri
Mga dapat isaalang-alang as pagsulat ng talumpati
Uri ng tagapakinig
Tema o Paksang Tatalakayin
Hulwaran sa pagbuo ng talumpati
URI NG TAGAPAKINIG
Edad ng Mga Tagapakinig
Bilang ng mga makikinig
KAsarian
Edukasyon o Antas ng Lipunan
Saloobin & Dati nang alam ng mga Tagapakinig
TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN
Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
Pagbuo ng Tesis
Pagtukoy sa mga Punto o Pangunahing Kaisipan
HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI
Kronolohikal na Hulwaran
Topikal na Hulwaran
Hulwarang Problema-Solusyon
Mga bahagi ng talumpati
Introduksyon
Diskusyon o Katawan
Katapusan o Kongklusyon
Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.
Introduksyon
Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.
Diskusyon o Katawan
Mga mahalagang alalahanin sa Diskusyon o Katawan
Kawastuhan
Kalinawan
Kaakit-akit
Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maipapaliwanag ang paksa. Kailangang gumamit ng angkop na wika at may kawastuhang pambalarila ang talumpati.
Kawastuhan
Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig.
Kalinawan
Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa. Sikaping makabuo ng nilalaman na kaugnay sa paksa at gigising sa kaisipan at damdamin ng mga makikinig.
Kaakit-akit