Modyul 1 Aralin 1 Introduksyon sa Pananliksik Flashcards
Yunit 3 – Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (28 cards)
Ay masusukat na katibayan.
Ang lahat na kaalamang itinuturing na makabago ay hinango sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan.
Ito din ay isang sistematiko, pormal, mahigpit, at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng mga lunas sa suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at kaugnayan.
Pananaliksik
Ang maituturing na ama ng siyentipikong pamamaraan.
Galileo Galilei
Dalawang Payak na Layunin ng Pananaliksik
- Ang paghahanap ng katotohanan.
- Ang paghahanap ng kapaliwanagan o katuwiran kapag ang katotohanan ay hindi agarang matatamo.
6 na kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan
- Datos
- Impormasyon
- Detalye
- Palagay
- Teyorya
- Prinsipyo, batas o katotohanan
Batayang yunit ng impormasyon
6 na kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan
Datos
Mga pinag-ugnay na datos
6 na kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan
Impormasyon
Mga naberipika na impormasyon
6 na kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan
Detalye
Mga posibleng kaugnayan o pinagmulan ng mga detalye
6 na kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan
Palagay
Mga nasubok na palagay
6 na kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan
Teyorya
Mga napatunayang teyorya
6 na kinakailangan sa pagtahak ng katotohanan
Prinsipyo, batas, o katotohanan
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
- Kontrolado
- Balid
- Sistematiko
- Obhektibo,lohikal, at walang kinikilingan
- Kwantiteytib o Kwaliteytib
- Empirikal
- Mapanuri
- Pinagtitiyagaan
Ang mga baryabol o datos na pinag-aralan ay hindi dapat manipulahin sapagkat magdudulot ito ng kawalang katiyakan at pagka-inabalido (invalid) ng resulta ng pananaliksik.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Kontrolado
Masasabi na ang pananaliksik ay balido kung ito ay nakabatay sa katotohanan ng katibayan o edidensiya sa pamamamgitan ng kakayahang idepensa o ipaliwanag ang mga ito.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Balid
Magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon o datos na iisang layunin ang katangiang ito.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Sistematiko
Hindi dapat mabago o mabahiran nang personal na saloobin ang pagbibigay ng interpretasyon sa pananaliksik.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Obhektibo, Lohikal, at Walang Kinikilingan
Pamamaraan ang mga datos kapag ito ay gumagamit ng istatistiks (statistics) tulad ng porsiyento, tsart, mean, median, mode at iba pang uri ng distribusyong numerikal.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Kwantiteytib
Ang pamamaraan kapag ito ay naglalahad o nagsasalaysay ng kalikasan (nature) ng isang sitwasyon o pangyayari sa gamit ang pandama o senses.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Kwaliteytib
Matatag ang pananaliksik kung gagamitan ito ng mga empirical n mga katibayan o kaalaman sa pamamagitan ng matamang pagmamasid o eksperimentasyon sa pagkuha o pagbuo ng mga impormasyon.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Empirikal
Dumaraan ito sa masusing interpretasyon na walang bahaging pagkakamali ayon sa paggamit ng tamang estatistika at analitikal na pagbibigay interpretasyon mula rito.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Mapanuri
Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at paulit-ulit na pagrerebyu sa mga datos at resulta ng pananaliksik na may pag-iingat.
8 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG PANANALIKSIK
Pinagtitiyagaan o hindi minamadali
Mga Uri ng Pananaliksik Batay sa Panahon na Pagkukunan ng Datos
- Diskriptib
- Eksperimental
- Historikal
Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng isyu o paksang sinasaliksik.
Mga Uri ng Pananaliksik Batay sa Panahon na Pagkukunan ng Datos
Diskriptib
Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay tutukoy sa epekto ng paksa o isyu na pinag-aaralan at karaniwang nangangailangan ng grupong lalapatan ng interbensyon at tatayain ang pagbabagong naganap kontra sa grupong hindi nilapatan interbensyon. Samakatuwid, ang datos ay kailangang antayin sapagkat makakalap lamang sa hinaharap.
Mga Uri ng Pananaliksik Batay sa Panahon na Pagkukunan ng Datos
Eksperimental
Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kalagayan o kaganapan sa nakalipas na panahon. Maari ring gamitin ang pamamaraang ito upang mabago an gating pananaw saa mga itinakda ng katotohanan sa mga kaganapang nakalipas na.
Mga Uri ng Pananaliksik Batay sa Panahon na Pagkukunan ng Datos
Historikal