Pagbasa at Uri ng Pagbasa Flashcards
(13 cards)
Ano ang 6 na kahalagahan ng pagbasa?
(1) pangkasiyahan
(2) pangkaalaman
(3) pangmoral
(4) pangkasaysayan
(5) pangpaglalakbay-diwa
(6) pangkapakinabangan
Ano ang apat na uri ng pagbasa?
- Iskiming (Skimming)
- Iskaning (Scanning)
- Ekstensibo
- Intensibo
Ano ang iskiming?
Ito ay isang mabilisang pagbasa o ang pahapyaw na pagbasa ng teksto na ang layunin ay hanapin ang importanteng detalye sa mabilisang pagbasa at kunin ang pangkalahatang ideya o tono ng materyal.
Ano ang pagbasa, ayon kay G. James Lee Valentine?
Ang pagbasa ay maituturing na “mental food” o ang pinakapagkain ng ating utak.
Ano ang pagbasa, ayon kay Goodman?
Ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” o pahulaang pangkaisipan.
Ano ang pagbasa?
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala at pag-unawa ng mga nakaimbak o nakasulat na impormasyon o datos.
Ano ang iskaning?
Ito ay ang mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokes at hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. KInapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
Ano ang ekstensibong pagbasa?
Ito ay ang pangmalawakan at pangkalahatang pagbasa at pag-unawa ng isang akda.
Ano ang intensibong pagbasa?
Ito ay pumapatungkol sa masinsinan at malalim na pagbasa
Layunin nitong suriin ang kanyuan at iba pang detalye sa istraktura ng akda aya ng porma at estilo ng pagsusulat o paghahayag ng may akda upang maunawaan ang kahulugan at implikasyon nito.
Intensibong pagbasa
Ito ay kadalasang isinasagawa sa pananaliksik, kung saan ang layunin nito ay bigyang-atensyon ang kahulugan ng akda.
Ekstensibong pagbasa
Ito ay kadalasang ginagamit ng mga estudyante sa pagbabasa ng kanilang mga reviewer bago ang pagsusulit, paghahanap ng pahina sa libro at marami pang iba.
Iskaning
Ginagamit ito sa pagtingin sa headline ng mga magasin o pahayagan, at pagtingin sa deskripsiyon o buod ng isang libro bago ito bilhin.
Iskiming